Si Katrina Stuart Santiago ay manunulat-guro-aktibista-babae. Patuloy siyang nabubuhay sa tunggalian, sa pakikibaka, sa araw-araw na nagagawa rin niyang chumika, magsulat, mag-aral, manood ng TV at sine, magbasa, makinig sa OPM, tumawa, umiyak... at matuto... "At oo, isa siyang chick. Dahil babae siya. At inaangkin niya ang label na ‘yan, at ginagawa itong makapangyarihan..." Ano pa ang gusto nyong malamang tungkol kay Katrina Stuart Santiago at ang kanyang sinulat na "Of Love and Other Lemons?" Tanungin sa kanya mismo bukas sa Mt Cloud Bookshop!









