Nakakamiss lang
Namimiss ko na lahat ng practices namin... Sana pala inenjoy ko to kesa nagpadala sa pressure :( HAY NAKOOOOO miss na miss ko na yung times na naghahanapan, nagkakainisan kasi walang mga dala na instruments, umiinit yung ulo ng mga tao because of the venue... Yung times na magkukulitan, magbabaraha, maiiwan sa gym para magbantay dun habang hinihintay yung mga tao na bumili ng pagkain galing sa finds :( Yung times na maglalaro lang kami ni Joan sa Microphone... Yung mga pangaasar at panloloko ni RD Yung headmoves ni Neale Yung kaingayan ni Alyssa everytime na humahawak ng isang instrument at Yung pagiging master ni Andrew... Kelan kaya ulit tayo tutugtog?? Hindi man tayo nanalo :) mas feel ko tong band na to... kasi, dito ako natuto na hindi lahat ng pinagpapaguran, nagkakaron ng bunga nagusto nating makuha.. Minsan, lessons lang ang makukuha natin... and friendships... and fun memories... and skills na madedevelop natin... sa paglilead... sa paglalagay ng music... sa pagsupport sa mga tao... sa pagtitiwala sa sarili :) HAY IPEACE... I MISS YOU!!! sana tumugtog ulit tayo... and this time... mas mahina na yung piano... yung guitar.. yung second voice... mas malakas na yung lead.. pati drums and bass... and of course.. mas magalaw na yung vocalist!! CHICKS CHICKS CHICKS SAKA MGA PAPABOLS PAPABOLS PAPABOLS!!! :))))) til next time ulit :)











