ROAD to UP: I started my day with a SMILE?
Part 1
Today, I started my day with a smile? I don't know. All I know this morning is that I woke up late, late enough for school. I'm just so thankful that God doesn't let me everytime I pray. Thank God I'm not late. I arrived at our classroom 10 minutes earlier compared to our teacher. Thank you Lord!
Nagsimula na nga ang klase namin sa Statistics and Probability. Masasabi kong hindi ako nag-enjoy sapagkat nabadtrip agad ako. Hindi ko alam kung bakit pero nabadtrip ako. Hinayaan ko lang tumakbo ang oras hanggang sa BOOM! UBOS NA ATA ANG HIGHLIGHTER KO. Ginamit ng kaklase ko sa Artwork nya pero infairness ang ganda naman. Commendable ang kanyang gawa.
Ngayon, habang tinatype ko 'tong mga letrang to sa aking mobile phone, wala kaming ginagawa. Tinatamad ako kasi wala man lang pinaiwan na gawain ang aming guro sa General Chemistry. Hiling ko lang sana kahit isang problem lang ay nag-iwan sya. Nasayang ang oras namin. Naiiyak ako. Sana ginamit ko na lang 'tong oras namin para makapag-review sa UPCAT o University of the Philippines College Admission Test.
Approximately less than 20 minutes from now, our Basic Calculus class will begin. I don't know what to feel. I still don't know the process of our previous lessons. I still have to study them. I want to but I can't. I love to procrastinate but I don't want to. All I want is to pass UPCAT.
Oo nga pala, napostponed ang UPCAT kahapon dahil sa bagyong nagbabadya na pinangalanang Ompong. Sana hindi malakas at sana mag-disappear na lang. Sana pumasa rin ako. Inaamin ko, natuwa ako kasi makakapag-aral pa ako, pero, nalulungkot din ako dahil kapalit ng kaligayahan ko ay ang buhay at ari-arian ng iba.












