06 April 2019. I will continue admiring you from afar, UP.

seen from United States

seen from Mexico

seen from Germany
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from South Korea

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Canada
seen from France

seen from Australia
seen from China
seen from United States
seen from Türkiye
06 April 2019. I will continue admiring you from afar, UP.
Naalala ko nung upcat, nagulat ata mga kasama ko sa testing center. Pagpalabas samin ng snacks, shookt sila sa dalawang nescafe, apat na cupcake, isang skyflakes at isang garapon ng stick-o. Hayst, siguro nasa isip nila kung mageexam ba ako o magpipicnic.
UPCAT 2019 EXPERIENCE + TIPS & TRICKS BEFORE, DURING, AND AFTER THE EXAM
October 27, 2018 SATURDAY – UPCAT
College of Pharmacy UP Manila
Paano pumunta ng UP Manila?
It’s as simple as 1,2,3
1. Sumakay ng LRT at bumaba ng Pedro Gil
2. Tumawid sa kabilang banda
3. Hanapin kung anong building ka at pumila
BEFORE:
1. Mag-review center kung nais at kung madami kang time. Ayon sa aking mga kakilala ay mural ang naman daw ang review center at maganda din ang turo.
2. Kung pang-umaga ka ay wag magpuyat at matulog ng maaga bago ang araw ng mismong exam. Mahirap ng malate dahil hindi mo na ito makukuha.
3. Ihanda na lahat ng kailangan gabi palang para wala ng problema.
* Permit, ang pinaka-importante sa lahat. Siguraduhin na may pirma at birthday ito.
*Pencils, magdala ng tatlo na may tasa na para hindi ubos oras.
*Pagkain o snacks, dahil hindi maiiwasang antukin lalo na kung malamig ang room niyo katulad saamin.
*Jacket (Optional) maghanda sa mainit o malamig na kuwarto. Magsuot ng kompotableng damit
*Deficiencies, kung meron man
*Syempre PERA no? hahaha except nalang kung RK ka at may hatid at sundo ka
P.S. Nagdala ako ng bag. Matigas ulo ko e HAHAHA char pwede naman ngunit advice ay plastic envelope na lamang. Atsaka ang sabi lang naman ay AVOID hindi DON’T, so wag niyo ko tularan pero pwede talaga hahaha trust me walang mangyayaring masama.
4.Kung pang-hapon ang exam ay huwag masyadong agahan dahil matotosta lang kayo sa init ng araw (gaya ng nangyari saamin) Kung excited ay magdala na lamang ng payong dahil walang makapagsasabi kung aaraw o uulan. Kung maaga naman ay magdala ng jacket dahil ang sabi ay malamig raw talaga.
5. Kumain na rin muna bago umalis ng bahay dahil iba pa rin ang may laman ang tiyan.
6. FOR GIRLS, mag-ayos ng mukha at wag haggard kasi baka may mameet kayong gwapong nilalang at pagsisihan niyo ang inyong ayos HAHAHAH mayroon talagang makakukuha ng atensiyon niyo kaya be ready hahaha pero wag mag first move
7. ITO ANG PINAKA-MALUPET NA TIP KO SA INYO!
- Walang seating arrangement. Bale-wala yang mga mga number niyo. Kaya ang advice ko ay magtabi-tabi na kayo sa pila dahil most probably ayan na din yun. Ang isa lang dapat tandaan ay sampu-sampu ang bilang kaya magbilang kana para hindi maiwan. One seat apart nga pala pagkadating sa loob ngunit hindi na din masama kung kakilala mo ang iyong katabi.
DURING:
1.Wag unahan ang proctor. Sumunod sa mga instructions.
2.KUNG MAGKAKILALA, MAGKAKLASE, MAGKAIBIGAN kayo ng katabi niyo ay magkunwaring nawawalang bata at hindi kilala ang isa’t isa.
P.S. dahil baka magaya kayo saamin na pinaghiwalay. Nakita kasi ata kaming nag-uusap at nag-apiran. Pinalipat tuloy ang isa saamin, so don’t forget mga pips
3.Wag kalimutan kunin ang mga kinakailangan sa exam bago ilagay ang bag sa designated area.
4. Magdasal, lalo na sa math at science. Goodluck pips nakaka-suko ang mga tanong na hindi mo man lang narinig kahit kita kung saan. Bago ang mga terminolohiya at mga naka-darawing na ewan.
P.S. ang mga nakalahad po dito ay aking karanasan at wala po akong nais tapakan o maliitin sa mga nakalahad dito. ABM nga pala ang aking strand
5. Nakakahiya magbukas ng snacks dahil tahimik ang paligid ngunit huwag kang kabahan tulad ko dahil wala naman silang paki-elam. Ikaw lang nahihiya sa sarili mo. Pero syempre huwag ka din naman OA sa pagbukas nito at gumawa ng sobrang ingay.
6. Kumain kung inaantok dahil nakakawala siya ng antok kahit papaano. MAGDALA NG MADAMING PAGKAIN DAHIL MADALI ITO MAUBOS KUNG IKAW AY GAYA KO NA HINDI NAGANA UTAK HANGGAT WALANG NGINANGATNGAT!
P.S. hindi ko alam sa iba pero pwede kami mag-CR nun kasi nasa loob lang din ng auditorium.
7. Do your best. Bayaan mo na. Mag-leave ka ng blanko kung hindi mo talaga alam. Dasal lang baka mabigyan ka pa ni Lord ng tamang sagot.
AFTER:
1. Ayusin ang mga kalat kung meron man
2. Maghintay ng instructions mula sa proctor
3. Huminga ng malalim dahil sa wakas tapos mo na ang exam. Wag mag-expect at hayaan lang ang mga mangyayari upang hindi masakit.
4. Ihanda ang pencil kung nais mo itong i-donate pagkalabas. May mga estudyanteng may hawak ng box.
P.S. hindi naming naibigay sa amin kasi tamad na kami kumuha sa mga envelope naming HAHAHHA pero if u wish, go lang hahaha
5. Mag-picture kasama ang tropa. Minsan lang yan mangyari.
6. Umuwi at magpahinga. Hintayin ang resulta at mag-exam pa sa ibang university para may plan B dibaa mas okay ng handa!
Hmmmmmm, ano pa ba? Ayan lang naman ata hahaha kung meron pa kayong nais idagdag, comment lang, pips!
Ibinahagi ko ito dahil ayokong matulad kayo saakin na walang kaalam-alam nung ako. Sana ay makatulong ang mga iyan at kaya mo yan! Hindi naman matatapos ang mundo kapag hindi mo yan napasa. Wag i-pressure ang sarili dahil ikaw lang din ang masasaktan at mahihirapan sa huli.
Sana nakatulong at Goodluck, pips!!
-DDSHB :-‘)))
ROAD to UP: I started my day with a SMILE?
Part 2
I just got home. Our Basic Calculus class just drained my brain. Our teacher had an emergency call from the Admins so he has to rush things. He just left us a 15-item quiz or activity? But damn. It's hard.
It started like this, I asked my classmate what will I do on the first item, then, I answered it confidently and intelligently? Hahaha. I moved on to the other items unti I reach such it I really don't know. I was shookt because these are the items I don't understand at all. I ended up copying my friend's answers. But! I still tried my best.
It took us less than 2 hours to finish the activity. We are drained. Our next class will be like less than 5 minutes and everyone is rushing to finish their meal.
Nung Entrepreneurship na, medyo na-relieved na ako. Pero besh, nakaka-antok. Siesta time so anong ineexpect mo. Nagquiz lang kami tapos ayun na.
Ngayon, gusto kong magreview pero tinatamad na naman ako. I have read an article about tips and tricks though I have had my review classes on vacation, I still have to cope more.
That's for now, I hope everyone is having a good time. Goodluck and God bless!
ROAD to UP: I started my day with a SMILE?
Part 1
Today, I started my day with a smile? I don't know. All I know this morning is that I woke up late, late enough for school. I'm just so thankful that God doesn't let me everytime I pray. Thank God I'm not late. I arrived at our classroom 10 minutes earlier compared to our teacher. Thank you Lord!
Nagsimula na nga ang klase namin sa Statistics and Probability. Masasabi kong hindi ako nag-enjoy sapagkat nabadtrip agad ako. Hindi ko alam kung bakit pero nabadtrip ako. Hinayaan ko lang tumakbo ang oras hanggang sa BOOM! UBOS NA ATA ANG HIGHLIGHTER KO. Ginamit ng kaklase ko sa Artwork nya pero infairness ang ganda naman. Commendable ang kanyang gawa.
Ngayon, habang tinatype ko 'tong mga letrang to sa aking mobile phone, wala kaming ginagawa. Tinatamad ako kasi wala man lang pinaiwan na gawain ang aming guro sa General Chemistry. Hiling ko lang sana kahit isang problem lang ay nag-iwan sya. Nasayang ang oras namin. Naiiyak ako. Sana ginamit ko na lang 'tong oras namin para makapag-review sa UPCAT o University of the Philippines College Admission Test.
Approximately less than 20 minutes from now, our Basic Calculus class will begin. I don't know what to feel. I still don't know the process of our previous lessons. I still have to study them. I want to but I can't. I love to procrastinate but I don't want to. All I want is to pass UPCAT.
Oo nga pala, napostponed ang UPCAT kahapon dahil sa bagyong nagbabadya na pinangalanang Ompong. Sana hindi malakas at sana mag-disappear na lang. Sana pumasa rin ako. Inaamin ko, natuwa ako kasi makakapag-aral pa ako, pero, nalulungkot din ako dahil kapalit ng kaligayahan ko ay ang buhay at ari-arian ng iba.
From the UP System: #UPCAT2019 application for MetroMla public high EXTENDED to Aug 6 Monday
From the UP System: #UPCAT2019 application for MetroMla public high EXTENDED to Aug 6 Monday
tap on the “play arrow” for streaming music (if on mobile device, click “Listen in browser”)
CODE
From the UP System: #UPCAT2019 application for MetroMla public…
View On WordPress