Unexpected Reply
Kahapon nakatanggap ako ng text galing sa isang classmate ko, ito text sabi :
"Oh touch ako, ikw lng yng nagtext saken na hindi gm yung ginawa, merry christmas din ate arra, para talaga sau txt na to, reg 1pes0s lang to, luv u a *some text missing*"
:( sayang nga lang at kulang yung text niya. Di ko tuloy alam kung ano talaga gusto niyang sabihin pero na gets ko na din naman kahit papaano. Bago kasi mag Pasko kagabi tinext ko lahat ng nasa phonebook ko at binati ng Merry Christmas na kasama ang pangalan nila. Nag-effort talaga ako i-personal message silang lahat. Di ako nag Group message, tinext ko sila isa- isa. Pag ganun kasi mas feel ko na sinasabihan ko talaga sila at sincere yung pagbati ko sa kanila.
Ang sarap lang sa pakiramdam na may na touch akong puso dahil sa simpleng bagay na nagawa ko. Ang akin lang kasi kung anung gusto mong gawin sayo ay yun din ang gawin mo sa iba. Ayoko din kasi na gini GM ako eh, gusto ko talaga may effort. Hahaha! Demanding much?









