#Repost @mrsnerimiranda with @repostapp ใปใปใป "Lahat ng lalake ay gago pero pag nakilala na niya ang babaeng mamahalin niya, magbabago din yun!" Kwento ko paano nag landi ang boyfriend ko, nalaman ko noong may nag pop na chat sa messenger sa tablet ko. Sa tablet ko kasi naka log in ang boyfriend ko at nakalimutan niyang mag log out. Tinignan ko conversations nila. Nagsimula sa hi, hello, taga saan ka? Pwede ba tayong maging mag kaibigan. Game ka ba? Aba! Tumaas na kilay ko, tinanong ko boyfriend ko tungkol doon kung sino ba yun at kung kikala ba niya. Bakit niya inadd? At kung ano ano pa. Syempre nagpalusot! Lalaki eh! Kesyo inadd daw niya kasi akala niya kamag anak ko. Hello! Hindi naman kami parehas ng apelyido! Sabi pa niya ka klase ko daw. Sabi ko mutual friend ko ba? Hindi naman di ba? Nagalit na talaga ako at hindi siya pinansin at kinausap. Hanggang sa nag pa sorry siya at sinabi hindi na niya uulitin. Sa katunayan binlock na niya yun. Nakakatawang parte pa eh nalaman niyang bakla pa la yung na ka chat niya! Hahaha! Ayan kasi. Porket maganda at kita cleavage sa Profile picture eh add agad! Poser pala! Hindi na din siya nag aadd ng kung sino sino, actually wala na siyang ina add. Hahaha! Ako lang daw sapat na, lakas maka jejemon! Hahaha! Pero totoo nga! Loko loko talaga boyfriend ko bago niya ako nakilala, two timer at pumapasok sa mga bars na may nagsasayawang babae. Pero ngayon nagbago na siya simula ng makilala niya ako. Araw araw nakikita ko yun. Mahal niya ako at ang pamilya ko. Nirerespeto niya kami at yun ang pinaka importante para sa akin. โบ #RaffleTimeNiNeri













