<|3
Yung nagawa ko grabe natauhan talaga ko.
:(((((( haaay. Kung sakaling alam ni mama na kami nga ni Eleya, ang weird hindi siya nagalit ng kakaiba kung ok sa kanya un ang nagpa sama talagavsa sitwasyon namin yung kagabi talaga. Shems kasalanan ko talaga to 😢.
Damn magtitino na talaga ko. Magiipon ako di ako gagala pa sa pasukan uwi agad after class wala ng kung ano pa:(. Seryoso talaga wala ng kung ano. Hindi na ko late magigising mag aaral na talaga kong mabuti para wala ng masusumbat sakin. Hindi na ko aabsent hindi na ko magpapalate. Hindi na ko magpapasaway talaga. Pupunta akong office para tulungan si mama. Haaay. Natatakot ako. Kelangan ko magfocus sa mangyayare sa future hindi sa kung ano lang ang nasa harapan ko. Hindi ko nga alam kung anong mangyayare samin sa mga susunod pang araw, mamaya o bukas. Gusto kong may mapatunayan naman. Kailangan kong gumawa ng aksyon ayokong mawala kami. Kahit na ang bad image na niya sa nanay ko. SURE na talagang alam ng nanay ko na kami nga talaga. Haaay pero hindi siya nagalit. Hindi niya kinuda sakin yun. Weird. :( Pero kailangang hindi maging kampante hangga’t kaya pang linisin lahat to magaayos na talaga ko. Ito ang pinakamahirap na challenge sa lahat. Akala ko challenging na yung malaman ng friends na kami ni Eleya, yung kung anong magiging dating nila sakin kung okay ba o ano. Pero unexpected na dadating sa point ng most challenging part, yung sa magulang. Pero seryoso handa kong ipaglaban siya kahit anong mangyare. Bugbugin na ko ng tatay ko, ipagkait na nila ang lahat sakin, or anything worst basta wag lang sana nila talikuran yung responsibilidad nila sakin na pag aralin pakainin at tustusan ung NEEDS. Magtitino na talaga ko. :’( Swear! Mahal na mahal ko siya. Seryoso.. kung talagang mahal ko siya gagawin ko ang lahat ng makakabuti samin mga bagay na alam kong makatutulong maiahon kami sa mundong to.
Sorry ma.. mahal na mahal ko talaga si Eleya. Please last chance ? Wag mo na kong paniwalaan sa lahat sige, kahit dito na lang please. Papatunayan ko sayo talaga. Sorry sa lahat. I’m sorry kung nasaktan ka. Iloveyou ma. Thankyou sa lahat. Please sana bigyan mo ko ng chance para mapatunayan ko sayo ang sarili ko. This time hindi ka na mabibigo sakin, hindi ko na din bibiguin si Eleya. Kung hahayaan mo lang akong ipaliwanag ang lahat para sakaling maintindihan mo kahit papano yung tunay kong nararamdaman

















