01-23-2013
That awkward moment when you don’t have any friends in your class and the teacher says, “find a partner!"
Ughh, ayaw na ayaw ko ng nalalagay ako sa ganitong sitwasyon. ang sarap i-drop yung subject pag wala kang kakilala o di kaya naman ei kahit may kakilala ka pero yung tipong di kayo nagpapansinan kasi syempre hindi kayo close. yung tipong ang tahimik mong nakaupo sa isang sulok walang pumapansin, total stranger tas tatanungin mo sarili mo kung invisible ka ba dun. tas biglang magsasabi yung teacher nyo na may activity tas mag hanap ng partner. ikaw naman sa isang tabi, nganga. dati madalas mangyari sakin yan. kaya naman minsan hindi ko na lang pinapasukan. kung hindi lang talaga sayang yung perang pinambayad ei baka na drop ko na yung mga subjects na yun.
Tas ito na naman nalagay na naman ako sa sitwasyong ganito. sa RESEARCH subject ko. find your group-mates daw. though lahat naman ng nandun ay kakilala ko ei syempre may sarili na silang mga barkada chuva kaya sila na mismo ang nagsama-sama. nakakainis lang isipin na mag-isa lang ako dun sa Research ko. tas ako lang mag-isa ang mag de-defend. sabi nga ng Prof ko ang brave ko naman daw para gawin yun mag-isa. sarap sigawan na "OBVVVVIOUSSSSSSS BANG HINDI KA NAGING FAIR! DAPAT IKAW NA LANG YUNG NAG GRUPO SA AMIN HINDI YUNG KUSA MO KAMING PINAPAPILI!" so unfair ha! alangan naman na magmaka-awa ako sa ibang groups na isali ako, NO WAY! Ugali lang yun ng mga bobo. pero syempre gusto ko naman din yung may kasama ako diba? ang hirap kaya gawin yun. pinaka ayaw ko pa naman yung survey chuva na yan. wala akong pasensya sa ganyan. ughhh, ang daming ka echosan na gagawin. Nakakainis lang. >_<














