Happy busog ang sunday. Nagkayayaan mag-lunch sa Surugin Ramen House, as usual yakisoba na naman ang happiness. Gusto ko rin sana mag-ramen tska mga donburi nila kaso di na talaga ko heavy eater so priority ko lang talaga tong yakisoba tska karaage dahil ito madalas cravings ko at bihira lang kami pumunta sa layo nito sa amin.
Na-traffic pabalik ng Dasma kasi fiesta pala dun sa portion ng Alfonso kung saan yung Surugin, sasama pa naman dapat kami sa prusisyon ng Sto. Niño. Nung di kami umabot nagpalipas nalang kami ng oras sa rocafé.
Akala ko ililibot lang namin si Bronny dun sa BarkYard sa Ayala Malls Vermosa, kain na naman pala. Habang hinihintay yung iba nag-timezone muna kami, sabi ko na-miss ko vibe ng casino dahil sa timezone. HAHAHA














