Syempre kagabi 'yun. Pumartey kami nila boyps, Jiriku (jiriku), Riji (rijikulot), Ron, (ronronturon), Kaloy (probinsiyano) at Mabel kahapon sa bar nila Joseph (yosibreak) sa may Las Piñas.
Ngayon na lang ulit ako naka-attend ng isang "mini meet-up" at pumunta ulit sa malayong (oo, malayo 'yun) na lugar.
Anyways, para mapabilis ang buhay ko, ganito na lang:
Umalis kami nila boyps at Riji dito sa LB ng bandang 7 pm para tumungo sa Las Piñas. Hindi namin alam kung ano ang sasakyan namin, kung mag-bubus kami or mag-van na lang. Sa huli, nag-bus na lang kami.
Nag-jeep pagbaba ng Alabang papunta sa bar nila Joseph.
Dumating dun ng bandang mga mag-10 pm na siguro. Halos kasunod lang din naming dumating sila Jiriku, Mabel, Kaloy at Ron.
Nag-inom kami sa malamang tapos nung natapos na kami ay naisipan naming mag-~-"StArBuCkzs"-~.
Nag-jeep kami at nakakatawa dito, hindi na pala namin kailangang mag-jeep pagkat walking distance lang pala 'yung ~-"StArBuCkzs"-~ mula sa bar. Umikot pa kami ng pagkalayo-layo. Si Ron kasi, napakagaling sa direksyon. HAHAHA. Lels. Peace.
Nag- ~-"StArBuCkzs"-~ hanggang mag-3 am at naisipan muling bumalik sa bar upang magsayaw naman kahit na sobrang antok na kami.
Naabutan pa namin dun sila Sieg (evosieg) tapos mag dumating pa at naalala ko lang sa kanila ay si Arthur (chunkybuyoy)
Naisipang umuwi ng bandang mag-5 am na pabalik ng LB. Sobrang antok.
Dumating sa LB ng 7 am at natulog at nagising ng bandang mag-4 pm na. Ang soyoooo.
Ayun lungs. Ang saya di ba? Lalala~