AN doodles i neglected to post up until now (from 1/9 & 1/10)
seen from China

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Singapore
seen from United States
seen from Uruguay
seen from Canada
seen from Singapore

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Italy
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Italy

seen from United States
AN doodles i neglected to post up until now (from 1/9 & 1/10)
Susulatan ko ang mga magulang ko sa t'wing babayaran nila ang tuition ko at kapag nakuha ko ang mga grades ko.
Yan ang naisip ko habang nakikinig ako sa "discipleship creed" ni Rose Ann.
Matalino, mabait, simple, tahimik -- yan si Rose Ann. Kaklase ko sya sa Reled. Kanina nagdiscipleship creed sya. Ang bungad nya.. "Hindi ako katulad ninyo na nakukuha ang gusto, wala kaming malaking bahay, wala ako ng mga gadgets na katulad ng mga hawak nyo, pero masaya ako" Sobra kong napangiti at natouch sa sinabi nya. Sabi nya, hindi nya alam kung anong ikkwento nya kasi wala naman daw syang problema na katulad ng sinasabi ng iba na mawalan lang ng ganito, hindi lang makabili ng ganito ay problema na. Kasi sya.. Kuntento na sya sa buhay na meron sya. Sabi pa nya.. "Bakit ako maghahangand ng ganun, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Ayos na sakin yun." Pagkatapos nagkwento na sya.
Scholar nga sya ni Brother Rafael. Wala syang binabayarang kahit ano sa school. Noong first two weeks nya, nagdduty sya sa Registrar's office, pero pagkatapos nun napasali sya sa non working scholar. "Masaya ako kasi nakasali ako, pakiramdam ko kasi nasasayang ang oras ko sa pagduty, na dapat naman ay nagaaral na lang ako." dagdag pa nya. "Alam nyo ba, sinusulatan namin ang mga benefactors namin na naiisip ko, sana magulang ko na lang ang sinusulatan ko, na sa kanila na lang ako magpapasalamat kasi nakakapagaral ako. Dun sa puntong yun, napaisip ako. Oo, hindi ako katulad ni Rose An, magulang ko ang nagbabayad sa tuition ko. Mapalad ako. Napagdesisyunan kong, sa t'wing babayaran ng mga magulang ko ang tuition ko, susulatan ko sila at magpapasalamat ako sa kanila kasi pinapagaral nila ako. Lahat ng mga nakukuha kong marka, iaalay ko sa kanila. Alam kong hindi madaling magpaaral ng anak, lalo na't sa isang institusyon na di biro ang binabayaran, pero nagsusumikap ang mga magulang ko, at dahil dun kailangan kong tumanaw ng utang na loob. Salamat kay Rose An, salamat sa kanya dahil narealize ko ang mga ganun bagay.