FRIDAY APRIL 17TH. 10 O’CLOCK $10

#dc#dc comics#batman#batfamily#bruce wayne#batfam#dick grayson#tim drake#dc fanart


seen from Australia

seen from South Africa
seen from China
seen from Türkiye
seen from China
seen from China

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from China
seen from Australia
seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from China

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from China

seen from Malaysia
seen from China

seen from Germany
FRIDAY APRIL 17TH. 10 O’CLOCK $10
February: Part Two
February: Part One
_+R.O.W.G.+_
Rock On With God.
Ang grupo ng mga taong may iba-ibang ugali, iba-ibang hilig, iba-ibang trip pero nabuo sa hindi inaasahang dahilan at pagkakataon. Nakakalungkot lang na sa tuwing maririnig ko ang mga salitang yan, puro lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ko. Lungkot dahil wala na ang grupong yan. Watak watak na. Pati ang sana'y mission at vision namen, nawala na.
Akala ko kase "against all odds" ang friendship namen nun. Madami kasing taong tutol samen. Immature at bata pa daw kame. Dahilan daw yan ng division at madami pang dahilan. Sinubukan naming ipaglaban. At willing ako na magstand at patunayan sa kanila na mali ang iniisip nila. Pero bago ko pa un magawa, unti-unti na kaming nalagas. Kahit na unti-unti na kaming nagkakahiwa-hiwalay, sinubukan ko pa rin na maging buo kame. Hindi man kami magkakasama na kasing dalas nang dati, lagi ko pa din silang kinakamusta. Pero parang nagsawa na yata sila at nakulitan saken. Hanggang sa dumating ang araw na napagod na rin ako at nawalan ng gana.
Hindi siguro nila alam kung gano ko sila kamahal at gano sila kahalaga sakin. Magkakaibigan pa rin naman kme hanggang ngayon. Pero di na kagaya ng dati. Hindi na kami updated sa buhay ng isa't isa. Bihirang magkita, hindi na nagkakakwentuhan. Nakakamiss lang talaga ung mga panahon na ksama ko sila. Ung nagsshare kami ng mga devotions, problems, at kung ano ano pa. Ngayon, wala na. Nakakamiss lang talaga. :(
Lahat na lang ng mga tao sa buhay ko pahintay.
Graduation Songs
Kanina, nagbantay ako sa Kinder. Eh nagppractice lang naman sila ng Grad Song nila. Tpos, ung grad song nila, At The Beginning. Nung nakita kong nakasulat ung lyrics sa board, iba ung feeling ko. Naalala ko nanaman ung rowG eh. Pinapalitan ko pa ung lyrics ng:
Life is a rowG that I wanna keep going
Love is a river I wanna keep flowing
Life is a rowG now and forever, wonderful journey
Sobrang namiss ko tuloy ung rowG. Buti na lang, dumating sila Pia at Frances. Di ako naemo.
Nung sa Grade 6 naman, pinalitan nila ung Grad Song nila ng One Friend. Nung narinig ko un, sabi ko sa sarili ko, "Shiiiyyyeeeet! Bakit ito??? "
Ung One Friend kse, kanta ko un kay Babs eh. Nung ginawan ko sia ng video nung bday nia dati eh. Naalala ko tuloy ung mga memories na hindi na pwedeng mabalik kahit kelan. Mga alaala na mananatili na lamang na alaala. Hanggang reminisce na lang. Hindi na pwedeng ulitin. HAHAHA! Drama much? LOL!
Ayoko na nga. Naeemo na ako eh.
Memories...
Kanina, nung nasa nagpPraise and Worship na sa church, kinanta ung You Are Holy Lord. Isa to sa mga songs na naging fave ng rowG noon. Nung nagsisimula pa lang kame. Nung kumpleto pa kame. Nung masaya pa kame. Naalala ko bigla ung mga kalokohan namin nun. Pag pinapractice tong kanta na to, kung pano kami magharutan, ung kung ano anong steps ginagawa namen. Ung tawanan namen. Ung bigla bigla naming pagkanta ng mga kung ano ano. Muntik na akong maiyak kanina.Ngayon kse, parang hindi na nageexist ang rowG.
Nakakalungkot lang isipin na hanggang dun lang pala kame. Sinubukan kong lumaban. Sinubukan namen. Pero napagod na sila. At napagod na rin ako. Mahirap ipaglaban ang isang bagay na sa simula pa lang, alam mong talo ka na. Pero kahit ganun, lumaban kame. Pero hindi pa rin sapat. Sobrang mahal ko ang rowG. Kahit hindi ko na un napapakita. Napagod na rin kase ako nang wala naman akong nararamdaman galing sa inio. Pero love na love ko kayo.