Alam niyo yung feeling na ng High School Life? Yung dito mo mamemeet yung first boyfriend niyo, yung first suitor? Kasama na din yung First Heartbreak.
Oo, nakakailan na ako ng suitor pero…This guy makes me feel special.
Siya yung lalaki na naramdaman ko talaga yung way ng panliligaw niya. Siya yung ituturing ka talagang girl na nililigawan. A guy that will make you feel special.
Actually suitor ko lang siya, SUITOR pero para ko nading boyfriend.
It’s been 1 month since he was courting me. And sa 1 month na yun, naramdaman kong siya dapat yung maging 1st boyfriend ko. Kahit hindi siya marunong manligaw pero he try his best to make me smile. Sa totoo lang ako yung pinakauna niyang niligawan, at dapat 1st girlfriend niya.
Ewan ko ba may iba sa akong nakita sa kanya na nagustuhan ko. Nung una nga nagdadalawang isip akong magpaligaw sa kanya. But then pumayag pa din ako kasi for me parang ang ganda na 1st boyfriend ko siya pagsinagot ko siya tapos 1st girlfriend niya ako. Ang saya diba!
Sa 1month naming magkakilala, napuno yun ng effort at kacornyhan minsan.
Jan. 14, 2014- The day na dapat sasagutin ko na siya.
Kaso….Nagkaproblema. Bago mag Jan. 14 nawalan kami ng communication tas’ nasira pa phone niya. Busy rin siya sa Family Buss. nila. Pero nagsesend naman ako ng message sa Facebook Acc. niya.
Kahit ganun hindi ako nagalit sa kanya, gusto ko lang malaman kung anong nangyari.
Dahil doon hindi naging kami nung Jan. 14.
Jan. 14 @Night- Nagchat kami. Tinanong ko kung okay pa ba kami. Sabi niya okay pa naman, busy lang daw sa Family Bussiness. Naintindihan ko naman siya. Pero hindi ko pinaalam sa kanya na dapat that day e kami na :( Sinabi ko na mag usap kami the next day.
Jan.15- Hindi siya nakipagkita sa school. I feel sad nung hindi siya nagpunta. Umiiyak na nga ako pero pinipigilan ako ng best friend ko.
Jan.16- Sabi nung classmate ko na friend ng suitor ko na “Stop muna daw siya sa panliligaw sa akin”.
Nung narinig ko yun, feeling ko kasalanan ko dahil sa sinabi ko nung convo. namin. Lahat ng nakikita ko color white lang nung narinig ko yun. Hindi ko matanggap.
It hurts me so much! Yung kala mo na siya na talaga yung 1st mo. Yung sure kana sa feelings mo tas’ nakapagdecide kana na sasagutin mo na siya. Yung kahit nung una hindi mo siya gusto, but unti-unti kang nahulog na din sa kanya :(
Nag-end ang comm. namin na hindi manlang niya nalaman na kami na dapat pala :(
Tuwing 17th day of the Month, nalulungkot ako. Eto yung araw na dapat kami na dapat lalabas kami na kami lang dalawa. Yung paggising mo mababasa mo yung message sa inbox mo na “HAPPY MONTHSARY! I LOVE YOU” :( Eto yung day na hina-hug ko yung bigay niya sa aking teddy bears. Kaso hindi nangyari.
Guyths! Ginawa ko’to because yesterday is 17. Monthsary sana namin :(
Kahit ilang months na ang lumipas hindi pa din ako makamove on. Siya pa din ang mahal ko. Hindi pa ulit ako nagkakaroon ng commitments from other guys and hindi pa din ako pumapayag na magka-suitor. Kasi, Kasi I still love him :(
Nagkaroon kami ng convo last month. Pero it’s a normal convo, parang friends lang ulit yung parang walang past. Nung napunta yung topic namin about sa amin dati, pinaliwanag niya lahat.
Sinabi niya na, narealize niya hindi pa siya ready na pumasok sa isang relasyon. Nadala lang daw siya sa mga friends niya na may mga girlfriend na. Pero hindi naman daw siya nag-stop dahil sa hindi na niya ako gusto.
Nung sinabi niya yun, umiiyak na ako. Kasi parang naramdaman ko na parang hindi talaga yun yung time for “us”.