(We’ll just hide the names of the real people with the names of the characters. Share :>)
“Achi Camille! Asan ka ba?”
“Ay sorry Kristelle. Nauna na ako, masama pakiramdam ko eh. Enjoy ha! Dami papabols diyan. Bye!”
At binabaan ako ng telepono. Ano ba naman yan. Nakakainis. Ay, hindi. Okay lang pala. Sanay naman na akong iniiwan eh. Iniwan ng kapatid dito sa party, at nagp-planong tumunganga na lang buong gabi. Masyadong sosyal. Ang daming mga diamonds. Ang boring!
”Uhm. Miss, let’s dance?”
“O-okay?” Pagdating namin sa ballroom, dun ko lang narealize, and pogi pala netong nagaya sa akin sumayaw.
“Kristelle Perez, right? Ako nga pala si Spade Young. Blockmate mo kaya ako, hindi lang talaga pansinin.” Wala akong masabi, ang pogi niya talaga. He looks like Jacob… Kamukhang kamukha .
“My dad was invited dito sa party niyo, kaya sinama na niya ako. Ang tahimik mo pala talaga no?” Tapos tumawa siya. Nakakalusaw yung ngiti niya, I remember Jacob in him.
”Ha? Hindi ah. Ang ingay ko nga oh.” Tumawa ulit siya. Isa pang tawa, isa pa talaga. Nanlalambot na tuhod ko. Yung ngiti niya, parang kay Jacob. Maya-maya, inaya na niya ako umupo. Nagkakwentuhan kami saglit, and if you’ll look at him, parang ang saya saya niyang tao.
”Good evening Ms. Perez, uuwi na po kami ng anak ko ha? Ingat kayo.” At umalis na sila.
Pagkauwi, nagbihis at nagayos na ako para sa pagtulog. Pero, nag-online muna ako… One friend request… “Spade Young added you as a friend.”
Tinignan ko profile niya. Puro picture lang niya, pati ng mga kaibigan niya andoon. Nagpapakastalker nanaman ako. Kamukha kasi talaga niya eh. Uy! May status siya… ”Bumped and talked with the girl I’ve been admiring for months. ♥” Spade Young… Ah, oo! Yung team B basketball player ng school. Siya rin yung scholar ni Daddy, siya rin yung crush ng nakakarami.
Nakatulog pala ako… “OMG! Late nako!” Nagmamadali na akong nagayos at pumunta na sa school. 5 minutes late na ako! Malayo pa building ko! Takbuhin na to! Nang biglang… boogsh.!!!
“Oh, Kristelle, bakit ka nagmamadali?”Ano ba yan, nakaharang!
“Ha? sige malalate na ako, bye!” Nagsimula na ulit ako tumakbo at…
“Kristelle walang klase!” Napahinto ako sa narinig ko. Si Spade pala itong nakaharang. Oo nga pala, blockmate.
“So, breakfast tayo?” Sumama ako sa kanya.
Ang saya niya talaga kausap. Parang ang tagal na namin magkakilala.
Araw-araw nang naulit yun. Hindi yung pagkansela ng klase ha, kung hindi yung pagkikita namin. Sa kadahilanan na rin naman na parehas kami ng schedule. We became best buds. Minsan nga ay napagkakamalan pang boyfriend ko siya.
One day, ininvite niya ako na pumunta sa house nila kasi kakauwi lang daw ng Mom niya from US. Syempre, um-oo agad ako. Gusto ko na rin kasing makilala ang pamilya niya. Sa dami kasi ng mga napagkkwentuhan namin, yun lang ang madalang niyang mabanggit, ang family niya.
Then the day came, ang ganda pala ng nanay niya, ang daddy naman niya ang gwapo pa rin kahit nakapang-bahay. Kaya naman pala ganito ang itsura nitong kaibigan ko. “Iha, upo muna kayo diyan ha. Malapit na matapos yung niluluto ko. Parating na rin naman kuya niya.” May kuya pala siya.
“May kuya ka pala, hindi ka nagsasabi.”
“Ah, oo. Hindi ko pa pala nakkwento sayo? Tatlo kaming lalaki, yung isa, nasa Bicol nagttrabaho. Yung isa naman, kakauwi lang din kasabay ni mommy.”
“So, daddy mo lang pala kasama mo dito dati?”
“Every two weeks, umuuwi si Kuya Mico. Kasama rin namin si Kuya Jacob dati, sumunod lang siya sa US para magpagamot.”
Pumasok na siya. Ang daming nagbago. The hair, his bod, even yung aura sa loob ng bahay, especially the way he looks at me.
Pumasok na siya; yung kapatid ni Spade, yung nagpagamot sa U.S, yung kaibigan ko noon, yung kuya-kuyahan ko, yung taong minahal ko, yung taong pinaasa ako, at yung taong unang dumurog sa puso kong hanggang ngayon ay hindi ko maayos.
Dinaanan niya lang kami. Walang niisang salitang binanggit. Umakyat lang siya sa kwarto niya. At pagkapasok ni tita ng bahay, ay agad niyang binasag ang katahimikang dinala ng kuya ni Spade.
“Spade, andyan na kuya mo? Ahia, baba na. Kain na tayo.”
Bumaba na siya at sinamahan kami sa pagkain. “Bago lang itong bahay namin. Dati doon kami sa may Valenzuela.” Paninimula ni tita sa kwentuhan. Sila sila lang naman ang naguusap.
Yung bahay sa Valenzuela, kung saan nakatira si Jacob dati. Kung saan nila iniwan si Jacob kasama yung tita niya. Kung saan ko siya nakitang tumawa, umiyak, at mahirapan. Hindi yung ganito, ngayon ko lang siya nakita na parang walang pakielam sa mundo. Ang lamig ng mga tingin niya. Nang tumigil na sila sa kwentuhan at nagpatuloy sa pagkain, ay nagsalita si Jacob.
Napatingin lang ako sa kanya. Ang lamig ng boses, mas malamig pa sa tingin niya.
“Hindi, bestfriend lang.” Sagot naman ni Spade.
“Bestfriend tapos pinaggagastusan?” Parang gulong gulo na utak ko, nagugulat ako sa kanilang dalawa.
“Oh tapos? Ano? Masama ba? Eh ano kung gusto ko nga siya?” Naalala ko yung status niya nung inadd niya ako. Ako pala iyon. Yung babaeng tinutukoy niya.
“Tama na, nakakahiya sa bisita.” Sabat naman ni Tita sa kanila.
Tumayo na si Jacob papuntang kusina, at habang kumukuha ng tubig… “Subukan mo lang saktan yan. Mayayari ka sa akin.” Wala pa ring reaksyon at wala akong maramdaman na emosyon sa pagsasalita niya.
“Akala ko ba, wala kang pakielam sa akin? Wag mo akong papakielaman sa mga desisyon ko. At kahit naman anong mangyari, I wouldn’t do that!” Tumaas na boses ni Spade. Nakukuha na yata niya. Mula sa aura ng kuya niya, sa gulat ko ng makita ang kuya niya. Alam na niya yata. Nakakatakot. Kinakabahan ako sa kung ano pang maririnig ko.
“Wala akong pakielam sayo! Sa kanya meron!” At dito, sa puntong ito, tumaas na rin ang boses ni Jacob.
“Kapag yan, napaiyak mo, kapag yan, sinaktan mo. Tignan lang natin. Kalimutan mo nang tatlo tayo magkakapatid.”
Napaluha ako sa sinabi niya. Bumabalik lahat. Yung sakit, lahat ng nararamdaman ko nung kami pa... Ay, hindi pala naging kami… Lahat ng sakit nung umasa ako, nung pinaasa ako.
“Sige. Ma, dad. Magpapahinga na ako.” Nasa hagdanan na siya nang…
“At ikaw, pagsisisihan mo ng sobra sobra, kapag sinaktan mo yang babaeng yan.” Hindi ko mapigilang ang hindi pagiyak dahil sa narinig ko, dahil hindi ako makapaniwala. Nakakahiya. Sa family nila. Kaya nagpaalam na lang ako na uuwi na lang.
Hinabol ako ni Spade. “Ihahatid na kita.” Ilang streets away na lang sa bahay, nagsimula siyang magsalita… “Yung kaibigan mo, na naging kuya-kuyahan mo, na araw-araw mong kausap, na nagpafall sa isang babaeng kagaya mo. Yung sakitin mong kaibigan, Yung masipag mong kaibigan na gagawin lahat makatulong lang sa Tita. Yung masayahin, magaling sumayaw, at masaya kasama na kaibigan mo. That’s Kuya hindi ba? Si Kuya Jacob?” Umiyak lang ako. Lagi naman akong umiiyak eh. Walang magawa, walang masabi, umiyak lang.
Parang totoo. Ang sakit. Birthday niya kahapon. Sana totoo na lang kahit masakit. Sana totoo na lang para kahit papaano, nakita ko pa siya.
Sana nga, totoong nagsisisi siya sa noong sinaktan niya ako.
Sana totoo na lang kahit punong puno ng pagsisisi ang panaginip na yun.
Sana nga totoong kasama niya magulang niya
Sana, totoong nakapagpagamot siya.
At sana talaga nagkatotoo iyon, kahit masakit, kahit nasaktan niya ako.
Kasi mas nasasaktan ako ngayon, kapag pinupuntahan ko siya, nagkkwento, inaabot ang favorites niya at nagsisindi ng kandila.