Story #78: So there’s this guy blogger na gusto ko.. No, mahal ko. Aaminin ko, unang una kaya ko siya nagustuhan dahil pogi siya. Syempre sino ba namang magkakagusto sa mukhang dugyutin diba? At aminin man natin o hindi, gusto talaga natin ng "maganda" o "gwapo".
How did I met him? Nakita ko yung picture niya nun sa isang meetup, eh syempre yung moment na 'alam na this'.Hanap agad ng url niya tapos follow. Eh syempre sikat din siya dito dahil witty at pogi siya, hindi na ko umaasang ma-follow back pa niya.. But fortunately, nag-follow back siya kaya nagthanks ako sakanya. Hihi. Pero hanggang dun nalang yun. Eh syempre, matic na, crush ko na siya agad. And that was 3 years ago. Kaya 3 years and counting ko na rin siyang crush.
Until isang araw.. nagpost ako and that was last year, nagreply siya dun sa post ko na yun. So eto naman ako, nabuhayan ng loob. My gahd diba? Moment ko na to. Edi ayun, nag-TA ako sakanya, aba puro answer privately ang loko pero ayos lang kasi yung mga sagot niya mapangharot (halatang tigang dahil walang lovelife hahahaha) edi ayun hinarot harot ko din. Chance ko na sa crush kong 3 years eh, sasayangin ko pa ba? At eto pa, first time namin mag-usap may pa-I love you at I love you too na agad kami. Mahaharot diba? Edi ayun na nga, nagbigayan na ng number at naging magfriends na din sa fb. Edi magkatext kami simula umaga hanggang madaling araw. Hanggang sa inaya niya kong makipagkita sakanya kasi magkalapit lang naman yung schools namin. I decided to see him a week after, syempre kailangan magpaganda, yung tipong maaga matutulog para pampawala eyebags. Eh tingin ko naman medyo effective. Hehe. Ayun na nga yung moment na nagkita kami, that was a rainy night at napag-usapan na naming i-cancel nalang kasi nga gabi na nun at maulan pa, mahihirapan kami makauwi pero dahil sa bugso ng damdamin (what!) eh natuloy naman. Totoo pala yung ‘slow mo’ ng Kathniel e no? Nung nakita ko siya biglang nag-slow mo eh. Yung tipong yung mata ko parang naging dslr, lahat nagblurred, sakanya lang naka-focus tapos habang palapit siya ng palapit sakin, feeling ko nananaginip lang ako eh. Imagine, dati hinihintay ko lang sa dashboard yung mga posts niya tapos ngayon eto na? Eto na yung moment na pinakahihintay ko, ang makita siya ng personal. At ayun nga, sobrang pogi niya pala niya talaga. Ay hindi, mas sobra pa sa sobra. Natatakot nga ko eh, baka ako pa mang-rape sakanya.Hahahaha. Joke lang. At ayun na nga, ang awkward ng moment na yun kasi first time namin magkita eh, siya lang yung kumakausap sakin nun. Ako naman, medyo lumalayo sakanya tapos tumatalikod. Eh jusme, ang pogi naman kasi, nakakahiya dumikit, feeling ko sobrang wasted na ko. At ayun nga, ginagawa niyang light yung atmosphere between us. Hinihinila niya yung strap ng bag ko sa likod para naman dumikit ako sakanya tapos humarap para makipag-usap. Eh ayun na, naging kumportable na ko sakanya kaya medyo harutan na. Nagdo-dorm ako kaya dun muna kami tumambay sa dorm para magpa-tila ng ulan. At ayun nga, harutan to the max na talaga. Eh naaalala namin yung oras at sobrang gabi na kaya hinatid ko na siya dun sa may sakayan kasi malayo pa yung uuwian niya. Eh syempre bago kami maghiwalay ng daan, ngiting tagumpay ako. Hahaha. And I know, masusundan pa. Alam mo yun, may sparks eh. At hindi nga ako nagkamali. After that night, nag-aya ulit siya kaso bawal ako nun kasi weekend kaya text/chat/usap sa phone muna kami. Landian, harutan, ganyan. As days passed by, alam ko hindi na to simpleng crush o landian lang pero sinusubukan ko pa rin pigilan pero hindi na talaga kaya eh. At ayun nga, nagtanong siya kung pwede manligaw pero pakiramdam ko pa-biro eh, baka nabibigla lang siya o kaya trip lang kaya biniro ko nalang din yung sagot ko sakanya, baka pinagtitripan niya lang ako, mga ganun. Gusto ko kasi pagdating sakanya seryosohan na eh. At ayun nga, hanggang sa magpasukan ulit, edi nagkita ulit kami. Tambay ulit sa dorm, laro ng phone habang nagkukulitan. At ayun na nga ang oras, umepal nanaman. So no choice, uwian nanaman. And I never thought na last na pala naming pagkikita yun. After that day, tuloy pa din yung communication namin. Nung una, andun pa din yung sparks pag kausap ko siya sa phone, text, or chat. Siya pa din yung unang nagpi-pm sakin, ganyan. Hanggang sa unti-unting nawala yung sparks na yun paglipas ng mga araw. Hindi ko alam kung dahil sa parang bumigay ba ko agad sa mga hirit niya? O yung masyado ko namang pagpapakipot nung tinanong niya ko kung pwede manligaw? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko nalang, masakit na. Na-attached na pala ako ng sobra. Ang bilis naman. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang panaginip lang yung lahat na nawala din agad from the moment na nagising ako. Ang duga naman. Yung tipong andun na ko sa dulo, handa na kong mahulog kasi akala ko sasaluhin niya ko.. At nung nahulog na ko, ayun iniwan niya ko sa ere. At ayun na nga, dumating na sa point hinabol-habol ko siya. Wala eh, guards down na ako pagdating sakanya, nilunok ko na yung pride ko. Ako na yung unang nakikipagchat/text, nag-aaya tumambay, mga ganyan pero nagri-reason na siya na madami siyang gagawin, ganyan. Kaya hinayaan ko muna baka busy lang talaga. Lie low muna ko, mag-iisip muna ko kung tama na ba mga pinaggagawa ko. And a week after, siya naman yung nangangamusta, ganyan. Ang nasa isip ko nun, magpapakipot muna ako, titignan ko kung mag-eeffort siya. Nag-eeffort naman siya minsan makipagusap pero bigla din siyang hindi na magrereply kaya naisip ko.. Siguro nga, wala na talaga. Masakit man isipin pero hanggang dito nalang siguro talaga. Bigla siyang dumating kaya siguro bigla din nawala. Pero napapaisip pa din ako that time, ano bang ginawa ko? Bakit nawala nalang bigla? May iba na ba siya? Nagsawa? Hanggang sa bisitahin ko ulit yung fb profile niya a month after, at ayun nga yung sagot, may girlfriend na pala siya. Kaya pala. At ayun, doble yung sakit. Kung alam lang niya. Sobra yung sakit. Yung pakiramdam na.. Ang duga naman! Bakit ang bilis niya makahanap ng iba? Ganun ba ko kabilis kalimutan? Kung binigyan niya lang sana ako ng chance eh, kaya ko siyang pasayahin hindi lang hanggang simpleng landian o ano. Kung hindi niya sana ako iniwan sa ere nun. Kung hindi niya lang ako pinaasa. Alam ko namang ramdam niya na gusto ko na din siya nun, sobrang gusto na.. Na tipong habang naglalaba ako, kahit puro bula pa yung kamay ko, magrereply ako kasi siya yung nagtext. Hay, hanggang puro sana nalang ako eh, nakakapagod na din. It’s been 6 months, medyo masakit pa din pero kinakaya-kaya na. Hehe. Sad to say but I realized na siguro nga dumaan lang talaga siya sa buhay ko, beautiful nightmare kumbaga. At least, nakita ko siya, nakalandian ko pa. Hahaha. Kaya sorry nalang sa mga babaeng may gusto sakanya :P