Bilang Asyano, tayong mga Pilipino ay kinakailangan na may malalim na pang-unawa sa kamalayan sa heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, panahanan, at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano at makatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.
Araling Asyano na kasangga sa paglinang sa mga kaalaman, pagproseso ng mga kaalaman, malalim na pang-unawa, at ang pagsalin nito sa ibang konteksto lalo na ang aplikasyon nito sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan.









