Nagko-commute naman ako dati. Araw-araw. Kung saan-saan ako nakakarating. Proud pa nga ako kasi feeling ko adaptable ako. Kahit saan, basta pwedeng marating ng public transport, mararating ko. Pinakamalayong napuntahan ko on my own 'yung Paracelis sa Mountain Province.
Recently, tuwing nagko-commute ako, may feeling ako na kawawa ako, parang api. Hindi ko alam kung pumangit lang ba 'yung public transpo situation or naging maarte lang ako. Nasa bingit na ako ng pag-accept sa isang job offer na itago na lang natin sa initials na MG, pero dahil sa pagbisita ko sa isang friend na nakatira sa BGC, na-feel kong bad idea na mag-commute pa-Makati araw-araw (always knew it was a bad idea pero I thought kaya ko naman).
Initially, sabi ko 'yung hindi rush hour ang slot na kukunin ko, such as... graveyard shift, pero kahit gano'n, nagdadalawang isip pa rin ako. Iba kasi 'yung quality of life pag naglalakad lang papunta sa workplace. I guess umikli na 'yung patience kong makipagtulakan sa tren at makipag-unahan sa jeep.
Pero ang wish ko na lang talaga ay magkaroon ng kotse at parking. Naiinggit ako dun sa top 10 sa PLE, binigyan sya ng kotse ng alma mater niya yata o ng city. Basta may kotse siya.
Ang kotse ay isang luxury at isang necessity. Hindi ko na kayang magtatlong sakay!!! Mababa na ang "real life" tolerance ko. Kanina pala, nasagasaan ng jeep na sinakyan ko 'yung isang tricycle. Parehas silang na-damage. Mukhang may mahaba pa silang diskusyon so bumaba na ako at naglakad para maghanap ng jeep pauwi.
Hindi option 'yung Grab kasi nasa 600 pataas 'yung one way pa lang, GrabShare pa. I guess pag walang wala na, Angkas na lang, nasa 300 ang halaga. Kaso mahirap kasi pag umuulan saka pag inaantok ako.
Gusto ko lang naman ng urban planning, livable cities, at convenient na transportation system...
Buti pa 'yung friend kong nagwowork sa Bangko Sentral, nagga-grab everyday.
Okay, tama na ang self-pity, wala tayong choice, hindi tayo WFH. Adaptable noon, suko na ngayon. Or baka nag-adapt lang ako in a different way. Depende sa lugar pero base sa mga pinupuntahan ko lately, mas efficient naman kasi talagang magkotse.











