this is like cheating

seen from Singapore
seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from Netherlands
seen from South Korea
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from United States

seen from Russia
seen from China

seen from Malaysia
seen from Poland
seen from China
seen from China

seen from United States
this is like cheating
La vista migliore arriva dopo la salita più difficile.
-
Hai presente
quando affronti una salita?
Guardi la vetta, fai fatica,
le gambe sono stanche,
ti fermi...riprendi fiato,
e poi prosegui...
sicura e testarda
non molli la presa,
sai che arriverai lassù,
costi quel che costi...
così è anche la nostra vita,
tutta in salita...
difficoltà, dolore,
alle volte arranchi...
altre ti fermi,
poi continui per la tua strada,
sicura che prima o poi
arriverà anche per te
qualcosa di buono...
e ti godrai un bellissimo panorama...
M.C.©
Vado così forte in salita per abbreviare la mia agonia.
Marco Pantani (Cesena, 13 gennaio 1970 – Rimini, 14 febbraio 2004)
Bakit mo nilisan
ang puso ko na nagmamahal ng tapat sayo,
Bakit ikaw parin
kahit na ikaw ang unang lumayo,
Sana tinuruan mo ang puso
kung paano limutin ang tulad mo,
Dahil pagod na akong
gumising sa umaga na nangungilila sa'yo.
Noon, tinuturing kong tahanan ang mga awit. Sa tuwing ako'y nasasaktan, nalulumbay, o naghihingalo at hindi alam paano ito pangangatwiranan, naghahanap ako ng awiting sasang-ayon at magsasalaysay ng nadarama ko. Kalakip ng awiti'y kompiyansang may makaiintindi sa akin.
Ngayon, ayaw ko nang manirahan sa mga awitin. Ayokong salaysayin ng mga manganganta ang sakit, lumbay, at kalugmukang kinahaharap ko. Hindi ko na kailangan ng katwiran at pag-iintindi. Dahil aking napagtantong hindi maisasalin ng kahit anong liriko't himig ang bigat ng aking mga daing at hikbi.
kahiwagaan ng balintataw
sabi nila, hindi daw nagsisinungaling ang mga mata pero sa panahon na kailangan talaga, magiging artista ka na lang bigla.
kaya nga madalas ay umiiwas ako ng tingin dahil isang titig lang ay alam kong lalambot at manghihina na ako. hindi ko kaya. hindi pa.
nasanay na rin kasi siguro na ganito. pinagpapanggap ang mga mata na akala mo'y hindi galing sa pag-iyak, na parang ayos lang ang lahat.
ayos naman talaga ang lahat. hindi ko rin naman kasi kontrolado ang mga bagay. nakakainis lang na minsan mapapaisip ka kung gaano kagaling maglaro ang tadhana. nakakainis na minsan ay matatawa ka na lang talaga. "bakit nga ba ganito?" eh wala rin namang maisagot sa tanong na 'to.
ngunit hanggang kailan ba kayang panindigan ang pagiging artista?
alam ko naman na darating ang araw na parang mapapagod ka na lang. normal naman 'yun at tuwing dumarating ang araw na iyon ay hinahayaan ko na lang. siguro naman ayos lang din pagbigyan ang sarili paminsan-minsan.
ayon din. doon ko napagtanto na sa tuwing darating ang araw na 'yon ay para bang sumasailalim sa reset ang buhay. na para bang kapag nangyayari 'yon ay maaaring may relapse pero bitbit naman ang aral ng kahapon.
maaaring nakakapagod magpanggap lalo na't sa mata mismo umaagos ang luhang dulot ng sakit, saya, at kung ano-ano pa. ngunit doon ko rin naman napagtanto na sa bawat reset ay mas kayang maging totoo ng sinasabi ng balintataw, mas kayang magpakatotoo, mas kayang maging mabait sa sarili.
mas kaya. hindi man buong-buong kinakaya ngunit kinakaya pa rin. dahil mahirap pero mas kinakaya, at para sa'kin, iyon ang importante.