Buti na lang nakita ko to' nakakatawa lang. Namiss ko tuloy sila, wala ako jan sa video, pero nung second year kasi kami ang hilig gumwa ng mga eksena ng mga kaibigan ko. Abnormal kasi sila. joke.
Naalala ko tuloy yung time na nag-away sina Cheyserr and Mark, yung totoong away ah, nagpunta kami nun sa Manila Bay. As in nagsipaan ang dalawa, umiyak pa si Cheann, Hiyang hiya ako nun haha, di ko alam kung ano gagawin ko, pano ba naman sa daan sila nag-away parang gusto ko na silang iwan, hahaha joke lang. Tinawanan ko lang tlaga sila, Hanggang sa jip nong umuwi kami nung gabi na yon hindi sila ng uusap, pinagitnaan nila ako tapos kala mo napakalayo nila sa isa't isa at sakin pa pinapadaan yung mga sinasabi nila, Ipit na ipit ako. Hahaha. Isip bata pa kasi kami non. Tapos etong si Cheyserr nagtampo pa sakin kasi mas kinakampihan ko daw si Mark e hindi naman.
Pero nagkabati din sila non after a few days, tapos pareho nila akong sinisisi , sabi ni Cheyserr "si Noemi talaga may kasalanan nun e, inutusan akong lokohin si Mark, sabi niya sakin kunwari daw holdaper ako tapos hablutin ko daw yung fone ni Mark." Actually totoo naman, hahaha, edi ko naman inexpect na magugulat si Mark ng ganon at masasampal niya si Cheyserr ng malakas. haha .
Sana magkasasama na ulit kami, sabi nga ni Cheyserr sana nga ako na lang nagpalipat sa inyo e, para kasama ulit tayo. oooo katooouch lang. Miss ko na din talaga tong tao na to e. Na kahit maputik sa Divisoria noon at mahaba ang nilalakad pinipilit kong dumaan dun dahil ksabay ko naman siya sa pag uwi. Tapos nakakamiss din pag parepareho kaming nambuburaot, hahaha. Puro kuripot kasi e yung tipong fries lang bibilin namn dahil walang gustong manlibre. Pero sabi nila ako daw talaga pinaka kuripot samin hahaha.