Nabigla ata ako't napatula
Sino ba naman kasing may sabing kailangang magpagalingan?
Sino rin ba ang parating naniniwalang ang lahat ay pakikipag-unahan,paramihan at palakasan?
Hindi ba't ikaw lang din naman?
Ikaw na walang ginawa kung hindi humabol,tumingala't pumalakpak
Sa mga iniidolo mong na wala rin namang binatbat
Pagka-kwan nama'y ikaw rin ang siyang pupuna't maninimdim,
sa tuwing nakikita mo ang sarili mong napag-iiwan,mistulang alipin
Bakit mo pa nanaiising maging iba?
Eh sadyang wala ka na naman talagang katulad
Kakaiba ka at may angking talentong iyo lamang
Wag kang papayag na matawag kang mangmang
Lalo na nung mga yun na akala mo kung sino
Hindi naman porket magaling ay matalino.
Teka,kung talino’t kagalingan lang naman
Meron pa nga kayang mas makakaalam,
Gayong mula lang sa Kanya ang lahat ng iyong pinagyayabang
Ipangalandakan mo mang sariling sikap mo lahat
Ipagsigawan mo mang marami kang alam at nagawa na
Hindi mo mababago ang katotohanang tao ka lang
Kung meron mang dapat pag-akabalaha’y iisa lang naman
Hindi ang magpagalingan,magpatalinuhan o magpayamanan
Marahil malimit mong makalimutang anak ka ng Ama
Ang nais Nya’y magpakabuti ka’t,nang sa sa huli kayo ang magkasama.