Hanggang kelan tayo malabo? Nag umpisa ng malinaw Nagpapatuloy na liko liko Minsan diretso Minsan may bwelo Sa sobrang linaw Nakakalito Lalo na kapag hinaluan mo Ng madaming pangako
seen from Brazil
seen from China

seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Germany
seen from Yemen
seen from United States

seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from Germany

seen from United States
seen from United States
seen from Poland
seen from United States
seen from Tunisia

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia
Hanggang kelan tayo malabo? Nag umpisa ng malinaw Nagpapatuloy na liko liko Minsan diretso Minsan may bwelo Sa sobrang linaw Nakakalito Lalo na kapag hinaluan mo Ng madaming pangako
Gusto sana kitang mahalin Pero pinipigilan ko Kasi alam ko kapag nangyari yun Katapusan na ng "tayo"
Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo At hindi lahat ng di mo nakikita ay hindi.
Ang tao talaga komplikado. Ang iba ay hindi gumagawa ng mga bagay na ayaw nilang gawin sa kanila. Ang iba naman ay ginagawa ang mga bagay na takot silang gawin sa kanila.
Nagtatago sa maskara ng kanilang kinakatakutan. Nagtatago sa maskara ng kaduwagan. Nagtatapang tapangan.
Bago pa gawin sa kanila, sila na lang ang magdudulot ng kabiguan ng iba.
Simula
Babalik at babalik sa simula.
Kung ano ako ngayon, hindi maganda. Ang tao naman kapag gustong bumalik sa simula, ibig sabihin sa kasalukuyan nila - walang nangyayaring maganda.
Magulo. Kalat. Sabog.
Nawawala ang pagkatao. Hahanapin ang sarili at mag dedesisyon - gusto kong umayos. Gusto kong magpakatino. Gusto kong bumalik sa dati. Iyong buo. Masaya. Kontento. Gusto kong bumalik sa simula.
Iyong ako pa lang. Iyong kahit ako lang, KAYA. Kayang mag isa at lumaban sa araw araw. Hindi natatakot mapag isa. Hindi natatakot sa mga tao sa paligid kahit madami sila. Grupo o mas masaklap, dalawa. Dalawang taong nagmamahalan. Hindi inggit sa kung anong meron sila. Hindi nararamdaman ang paglamig ng katawan na sumisigaw, sinasabing - pagod na kong mag isa.
Kaya ko mag isa. Sapat. Tapat na nag aantay ngunit hindi naghahanap. Hindi nagmamadali sa isang pag ibig na darating. Naka sentro kung paano pa magiging malakas. Kung paano magiging tama sa darating na pagmamahal.
Kaya ko mag isa.
Anong nangyari? Bakit ka natakot? Bakit ka lumayo? Bakit ka tumalikod?
Pinili ang panandaliang relasyon na sumira sa pundasyon ng iyong sarili.
Ngayon ay nakadepende. Naka depende sa atensyon na ibibigay ng iba. Nangangamba sa tahimik na bulong ng paligid. Ayoko mag isa. Takot akong mag isa.
Nasaan ka na?
Nasaan na ang tapang minsan meron ka? Ang pag asa sa puso na may sagot sa lahat ng dasal. Hindi ka naman talaga mag isa.
Bakit ka nagpalinlang?
Ang malala, bakit ka nanlilinlang?
Hindi ako nabuo sa kasiyahang dulot ng pagkakamali. Lalo akong nawawasak araw araw. Nawawala ang pagkatao na minsan ay buhay. Nawawala ang pagtitiwala sa pangako na MERON. Huwag kang mangambang mag isa.
Sa ngayon, ikaw lang. Darating ang panahon, sa tamang pagkakataon, ang pangako ay hindi na pangarap. Isa na itong katotohanan. Mahahawakan araw araw. Makakasama sa lahat.
Pero bago yan. Pakawalan mo na. Bitawan ang mga bagay na hindi dapat bitbitin.
Pwede mong gamitin pero hindi mo naman kailangan. Pwede mong dalhin pero hindi mo naman mapapakinabangan. Akala mo lang kailangan, pero ang totoo - nabigatan ka lang.
Tama na.
Bumalik ka sa simula.
Masakit lalo na kung ang dami mo ng nagawa. Isa ka ng papel na madaming nakamarka. Mahirap burahin at kahit mawala ang sulat ay may bakat na.
Pero bumalik ka sa simula.
Kahit gaano kahirap.
Kung ang paglilinis ay magiging kasing sakit ng pagputol sa isa o higit pang parte ng iyong katawan, kayanin mong bumalik.
Dahil HINDI ikaw yan.
Magsimula ka ulit. Para mas malinawan ka at makita mong mabuti kung ano ba talaga ang gusto mong makamit.
Hindi kung ano lang ang nandyan. Hindi kung ano na lang ang nagawa. Wag kang duwag. Hindi ka mag isa.
Hindi ka naman talaga totoong mag isa.