fuvk!
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Philippines
seen from United States
seen from Türkiye

seen from France
seen from United States
seen from Finland
seen from China
seen from United Kingdom
seen from China

seen from Georgia
seen from United States
seen from Türkiye
fuvk!
Dear, when are you going to stop crying? Aren’t you getting tired? You’ve had enough, you did everything. You’ve proven that you’re worth of their love. Yet, they’ve slipped the opportunity to see you as a gem. It’s not your fault. Trust me! There’s nothing wrong with you. In seven billion hearts that exist in this world, you are unique — exceptionally beautiful. So please, shed those tears. They don’t deserve your tears and sorrow. You can surpass this. Perhaps not today, but it will come. Just trust yourself. Be patient. You’ll get through this. Your pain will just fade. Trust me.
— Thoughts of Dessa 🌻
patapos-na-ang-taon-pero-wala-pa-ring-jowa club 🤷♂️
ANG PAGTALIKOD SA LUMA
Wala na sa atin ang atensyon nila, kaya baka naman, pwede na tayong magsimula ulit? Wala na ang mga tinging nagmamatyag, tahimik na rin ang nakabibinging ugong ng mga pamimintang at panghuhusga, wala na ang mapangkulong nilang mga hinuha, mga sulsol na salitang puros paninira. Tahimik na ang mga walang alam. Tahimik na ang mga matang naniningkit 'pag makita tayong nagkakaintindihan, mga mapanghamak na para bang ang magsimula tayong ulit ay absolutong katangahan, na ang bumalik ka sa'kin ay mas mabigat pa kesa sa pinaka mabigat mong kasalanan. Hindi nila alam, na ang muli nating pagkikita ay ang pagtalikod natin sa mga bagay na luma. Na hindi na sa'tin ubra ang mga panunulsol at paninira. Na ang pagmamahal natin ay hindi tulad nilang mapang-piit, kundi mapagpalaya. Kaya, kahit maghabulan pa tayong walang hinto. Magkalituhan man sa gitna ng pagtakbo, magpalit-palit man tayo ng mga ruta't desisyon, sa huli, tayo pa rin ang magtatagpo. Magbabasahan tayo ng sumpaan. Magtaasan man sa'tin ang mga paratang ng mga walang alam ay pagbubuklurin tayo ng ating mga pangako. Umalis man tayong makailang ulit, babalik pa rin tayo sa kwento nating nilisan. Hindi na tayo dapat matakot. Sanay na tayo sa mga liko-likong kwento at mga nakalilitong palagay, at kahit suyurin man nating nakapikit ang labirinto ng pag-ibig ay magtatagpo tayo. Masugatan man ako sa pagtakbo, maligaw man tayong pansamantala ng daan, hihinto tayong saglit at magpapahinga, pero susubukan nating muli. Susubukan nating paulit-ulit. Lagi mang naka-abang ang mga walang alam, na parating nakatanaw sa mali nating mga hakbang. Mga pananaw na tinapos ng guhit-tagpuan ang tingin sa karagatan, at hindi na sinikap languyin ang kabuuan. Na ganun na lang magngitngit sa mga along humahampas sa kanilang kabahayan. Hindi makuhang magpatawad kahit para na lang sana sa dagat na nang humampas ay di hamak na mas nasaktan. Mag-aklas man ang lahat ng mga mapang-dikta't mga may limitadong kaisipan, ganito tayo palaging babangon. Tulad ng sugatang tuhod sa may matibay na loob, magsanhi man ng hapdi and bawat hakbang ay kakayaning tahakin ang daang pabalik sa sumpaan. Tulad ng mugtong mata ng matatapang, paglabuin man ng luha ang paningin, ay hindi kayang papanghinain ang pagnanais nating lumaya. Kaya't narito ako pang-habang buhay, na kahit di na halos makaaninag ng mainam ay patuloy pa rin sa pagtanaw ko sa iyo. Ilalaan ko sayo ang bawat kong paghinga, na tangi ko lang pruweba ng paninindigan ko sa aking pangako. Ibinibigay ko sa iyo ang aking mga salita, na kahit na kupasin ang tinta ng mga magdadaang panahon ay aakayin kang patuloy sa panibagong simula. Makatatag man ako o manghina, pagagalingin natin ang mga sugat nating tinalikuran, para hindi tayo matakot na muling maniwala sa pag-ibig. At wag nating tapunan ng pansin ang mga walang alam na tinuldukan ang kwento nating dalawa, dahil ang dulo nito ay hindi na matatapos. Babalik tayong parati. At sigurado na tayo, sa ATIN, sa TAYO. Iinog ang nilalakaran nating mundo, magpapalit ng hugis at pwesto ang mga hamon sa labirinto pero hindi iyon magiging mahalaga dahil mahahanap natin ang isa't-isa. Hahanapin natin ang isa't-isa. At magpapakilala akong muli sa'yo. Magtataka ka kung bakit kahit tila wala silang alam ay pinagmamasdan nila tayo. Ipipihit ko ang paningin mo sa atin at haharap tayo sa paglaya.Ngingiti tayong dalawa at sabay na tatalikod sa mga bagay na luma.
-Wag Mo Akong Bitawan
Gusto sana kita buuin, ngunit bakit tila mas nais mong manatiling wasak?
Hindi mo naman talaga ako mahal,
kasi hindi mo dapat winawasak yung taong mahal mo.
Iniwan Mo Ako
Iniwan mo ako at iniwan mo rin sa akin ang mga tanong.
Naiwan ako kasama ng mga taong nagtatanong kung bakit naghiwalay tayo. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga ito.
Bakit?
Dahil hindi naman ako ang nakipaghiwalay,
Alam kong hindi dapat malaman ng iba ang dahilan,
At akala ko kasi tapos na akong sagutin ang tanong ng mga tao.
Ang alam ko lang ay iniwan mo ako
Kasama ng mga tanong at taong ito.
Akala kasi ng lahat wala ng hiwalayan
Tapos bigla kang nang-iwan.
Ayos lang sana kung bastang nang-iwan.
Kaso mabigat ang dahilan
At hindi mo man lang ako ipinaglaban.
Mas mabuti na rin sigurong ako'y iyong iniwan.
Kasi kailangan ko noong hindi sumusuko sa ganitong klase ng laban.
Papatak ang ala una Babalikan muli ang mga sana Bubuksan muli ang mga pahina Na ang laman ay tayong dalawa Mapapangiti ng mapait Maninikip ng bahagya ang dibdib Oo nangungulila pa sa iyo Gusto muling maramdaman ang presensya mo Pero mas mahal ko ang sarili ko Kaya hindi na babalik sa tulad mong manloloko