Closure?
Minsan di na natin kaylanganmag karoon ng closure sa taong minahal mo noon. Kaylangan na lng natin harapin ang buhay na, wala na at di na tlga kayo pwepwede pa, time to move on.
seen from T1
seen from Japan
seen from Russia
seen from China
seen from China

seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Sweden
seen from United Kingdom
Closure?
Minsan di na natin kaylanganmag karoon ng closure sa taong minahal mo noon. Kaylangan na lng natin harapin ang buhay na, wala na at di na tlga kayo pwepwede pa, time to move on.
Kung talagang namimiss ka niya, gagawa siya ng paraan para makasama ka. Maglalaan siya ng oras para sa'yo. Pero kung hindi niya kaya gawin ang mga bagay na 'yun para sa'yo, asahan mong hindi ka kasama sa PRIORITIES niya.
Artist vs. Art block
Syempre hindi mawawala ang art block sa atin. Napapatulala sa harapan ng papel, canvas, o minsa’y sa kisame. Pinipilit natin ang sarili natin na makaisip ng gagawin para makaguhit — makagawa ng obra. Na nagreresulta ng pagkalungkot, pagka istres, at pagka frustrate.
Nanggaling na ako diyan — lahat tayo. At babahagi ko sa inyo ang mga ginagawa ko kapag ako’y nakakaranas ng Art block.
Huwag ka magalit sa’yong sarili!
Hindi maitatanggi na minsa’y kapag nakakaranas tayo ng ganito, na f-frustrate tayo na nagreresulta ng pagkagalit sa sarili. Alam ko ‘to kasi naranasan ko na ‘to, sino bang hindi, di’ba?
Nuod ka ng mga videos sa internet
Makakakuha tayo ng ideya sa panunuod ng mga art videos ng iba. Sa panunuod natin, maya maya ay mapapatigil tayo at makakaisip bigla ng ideya na gagawin. Minsan magugulat pa tayo kasi may naisip tayo. At kapag nakaisip na tayo, matutuwa tayo at dahil doon mas maeengganyo tayo na gumawa.
Balikan mo mga dati mong gawa
Minsan sa pagtingin natin sa ating mga obra ay magbubukas ito ng panibagong pintuan patungo sa iyong kaisipan — magkakaroon ka ng ideya. Ma i-inspire ka sa sarili mo. Okay lang na Makita mo ang mga mali sa mga dati mongo bra, normal lamang iyon. At kapag nakita mo ang mga mali, senyales ‘yon na humusay ka lalo sa iyong ginagawa.
Take your time
Kung hindi pa rin makaisip, hayaan mo lang na makaisip ka, ‘wag ka tumingin sa oras ‘wag magmadali. Minsan sa kakapilit natin na makaisip ng iguguhit, doon tayo walang maisip. Hindi naman ibigsabhin na matagal tayo mag isip, ay hindi na tayo malikhain.
Pwede na huminto muna, at gumawa ng ibang bagay para pagkabalik ay magkaroon ka ng mga ideya. Pwede ka lumabas, pero dahil sa pandemya kailangan mas maging maingat. Alam natin kapag lumalabas tayo di’ba makakakuha tayo ng bagong ideya o makakahinga ng maluwag. Kaya hindi naman din ganon masama na lumabas at tumigil muna sa pag guhit.
Enjoy at mag experiment!
Huwag na huwag mong kakalimutan na I-enjoy ang iyong ginagawa. Sumubok ka ng ibang paraan sa pag guhit, kahit ano man ‘yan, okay lang. Pwede ka gumawa ng kahit anong linya tapos i-challenge mo ang sarili mo na tapusin ang mga linya-linya at bumuo ng kahit ano. Kahit man sa tingin mo ay weird ang maging kalabasan, ang importante ay may nagawa ka, at naenjoy mo.
Stay healthy, huwag magalit sa iyong sarili. Magguhit ka ng kahit ano, kahit hindi man ito ‘yung nasa plano mo. Sa pagpatuloy nating pagguhit, ay maiiimprove ang ating pagkamalikhain.
Laging tatandaan na ang pagguguhit ay nagmumula sa puso. Goodluck at Enjoy!
Pagkatapos ng 8pm kong klase at pagkauwi ng bahay. Diretso agad ako sa GW para makalaro ang dalawa kong pinsang pogi. Relaxing yung place tapos okay na rin yung specs ng pc.
We’re playing ROS with Christian’s two friends. Iba talaga kapag buhat ka ng team. It turned out na I’m satisfied with our game. Nakapag pa rank naman kahit papaano. After a 2hours game, before kami umuwi nag Mcdonalds muna then we headed back home and nag aral naman ako para sa exam namin at nag revised ng survey (pero pakiramdam ko ez). Hahahahha, productive day I must say! Looking forward pa dun sa dalwa kong pinsan na absent sa paglalaro, this weekend sana.
I felt happy.
Then, bigla ko ulit naisip yung worth ko sa kanya (biglang drama hahahaha)
Ang dami kong natutunan sa dalwang to’. Sobrang dami namin napagusapan tungkol sa life at lalo na sa love life. Iniinom nila SanMig Light, tapos ako gatas and nakain ng sushi with pork katsu. Hahahaha.
Ito yung mga kaibigan kong one call away. Handang makinig sa ka-dramahan mo sa life. Kung tutuusin swerte ako dahil may ganito akong klase ng kaibigan *shoutout sa iba ko pang kaibigan*.
Sa wakas, kahit papaano nakukuha ko na rin yung point of view ng mga lalaki. Kapag mga girlalu kasi ako nagpapa advice, mas nacoconfused ako. Kaya maraming salamat! Kudos.
Wala daw poreber
Minsan naisip ko wala wala ba talagang poreber? Sabi kasi nila wala daw. Ano ba yung basehan nila ng poreber? Paano mo nasabi na walang poreber? Feeling ko kase yung mga nagsasabi na walang poreber, Sila yung mga taong bitter. Yung may mga panget at mapait na nakaraan. Kapag nawala ba ang isang bagay o isang taong mahalaga sayo dun lang masasabing wala ngang poreber. Sabagay kahit naman ako hindi ko rin alam ang batayan ko sa sinasabi nilang "Walang Poreber."
ALAALA 101
May naalala uli ako. Noong high school kase ako uso yung pocket books. Oo, yung Precious Hearts Romances. Hahahaha! Naadik ako doon. Naging collection ko yun. Pero hindi naman karamihan. Ang naalala ko lang, yung mga classmate ko kase noon meron nun. Akala ko nagaaral talaga sila pero yun pala hindi. Nagbabasa pala sila non. One time, sabi ko dun sa kaklase ko pahiramin ako kase gusto ko subukan magbasa. Pinahiram naman nya ako. Parang sa una ang boring pero habang tumatagal naman at nasa kalagitnaan na, nandoon na yun pagkasabik mo sa story. Tagalog Romance yun so nakakakilig. Actually, maraming klase ng pocket books. May nakakatakot pa nga. Nakabasa na rin ako nun. Pero na hooked talaga ako sa PHR( Precious Hearts Romances). After ko mabasa yung pocket book, humiram pa uli ako kasi nakakaadik pala. Hanggang sa naging libangan ko na sya. And dumating sa point na halos lahat na kami sa klase nagbabasa nun. Nagpapalitan kami ng Pocket Books. And yung baon ko and allowance dun napupunta kase nagiipon ako para makabili lang. Naalala ko isa din ako sa umaasa na sana one day may ganun din akong love story. Yung palaging may Happy Ending. Halos lahat naman ata ng nabasa ko puro Happy Ending. Ang lakas lang maka Fairy Tale. Wala lang naalala ko lang.
Gusto ko tumakbo palayo hanggang mapagod ang mga paa ko. Gusto ko umiyak hanggang maubos ang mga luha sa mata ko. Gusto ko mawala pansamantala at pumunta sa lugar kung saan puro lang saya. Gusto ko magpahinga hanggang sa mawala ang pagod at sakit ng katawan ko. Gusto ko na matapos lahat ito.
akoposimissa