Sa imahinasyon nating lahat, may matatagpuan tayong isang kaharian na kung tawagin ay Tralala. Ayon kay Inang Diwata, ang kaharian ng Tralala ay pinamumunuan ni Haring Alexander at ng kanyang anak, ang susunod na magiging Reyna nito, si Prinsesa Yasmin. Ngunit si Haring Alexander ay “nagkasakit” kaya ito ay pansamantalang pinamunuan ng kanyang ikalawang asawa na si Reyna Leona at ng kaniyang mga anak na sina Prinsesa Leontina at Prinsesa Leontiting
Sa pagdaloy ng kwento mapapansin natin na maraming kababalaghan ang nangyayari. Isa sa mga ito ay ang pagkawala ng 8 milyong bara na hiniram ni Reyna Leona kay Haring Carlos, ang hari ng Parachibum. Sinabi niya na ito ay ginamit para sa “maayos na pamamalakad ng kaharian” ngunit nang si Haring Alexander na ang nakaalam tungkol sa utang na ito, siya na mismo ang nag tanong kay Reyna Leona at inamin rin ng reyna na ito ay ginamit lamang sa castillo nito. Nagalit ang hari at ipinautos sa mga kawal na kunin sila (Reyna Leona, Prinsesa Leontina, Prinsesa Leontiting, at si Heneral Tulume) at parusahan ng ayon sa kanilang ginawa.
Sa huli ay naresolba sin ang mga problema. Naganap ni Prinsesa Yasmin ang kaniyang tungkulin bilang prinsesa kaya naman ay ibinigay na ni Haring Alexander ang trono sakanya. Ipinasa na rin ni Haring Carlos ang trono kay Prinsipe Anshari at siya na rin ang nagging tagapagmana ng Kaharian ng Parachibum. Sila ay ikinasal at doon na nagtapos ang dula.