Nakakkabilib talaga yung iba kong tropa dito sa Tumblr na Registered Nurse na at nag wo-work na sa ospital, tulad na lang nila Rhean, San, Kenneth, Luis at iba pa. Yung tipong nakakasagip sila ng buhay sa paraan na halos apat o mahigit pang taong pinag aralanan nila. Minsan nagkwekwento sila ng mga bagay na patungkol sa medisa o sa katawan ng tao na hindi ko maintindihan kahit may paliwanag pa, napapa "oohhh" na lang ako sabay palakpak.
Naalala ko noong bata pa ako eh gusto kong maging Doctor, para gamutin ang pamilya ko at iba pang mahihirap na walang pmabayad sa ospital pero nasampal ata ako ng katotohanan ng buhay at napamukha sakin na mahirap lang buhay namin eh nag bago ang isip ko, dun ko din naisip na may kahina pala ako pagdating sa dugo at karayom, literal na hindi ako mapakali kapag tutusukan ako ng karayom, dahil kung bakit failed yung ginawa kong shorts noon TLE namin nung hayskul.
Basta taas noo ko silang hinahangaan, bukod sa mga idol kon manunulat dito, mga idol kong photographer at mga artist, malaki din ang respeto ko sa mga nurses. Isa kasi yan sa pinaka mahirap na propesyon, hindi pwede jan ang bahala na at pachamba move dahil buhay ng tao ang hawak mo sa bawak eksena. Bawal ang antukin at iwasan ang katangahan dahil isang wrong move lang, maaring mabago ang kalagayan ng pasyente mo. Hindi ko man nakikita ang sarili ko bilang nurse o doctor, nakikita ko naman ang sarili ko na huhubog ako nga mga estudyante soon na magiging magaling na nurse at iba pang propesyonal.