Valentines.
Paano mo nga ba pinagdiriwang ang valentines day? Syempre hindi mawawala yung magbibigay si lalaki ng chocolates at flowers kay babae na gf nya,crush,o nililigawan nya. Pwede ka din namang magbigay sa mga magulang mo, sa kapatid mo o sa kaibigan mo. Hindi purket single tayo eh papaka-bitter na tayo. Dapat maging masaya tayo dahil sa kabila nang lahat ay nagmamahalan pa din ang mga tao. Lumabas ka makipag-date ka kung sino man magyayaya sayo o kung sino man gusto mo makasama. Single ka? Lumabas ka kasama ang mga kaibigan mo, magpalitan kayo ng bigay ng chocolates. Hany,goya o milo man ang ibigay sayo dapat matuwa ka kasi libre yun at chocolate pa ding matatawag. At syempre dapat wag nating kalimutang magsimba kasi Feast of Saint Valentine ngayon.



















