Balang araw..
Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanila, Akala tulo'y nila ako'y lubos na nilang kilala. Pag sinabi ko ba sa kanila'y, anong mapapala? Ayoko lang naman sila'y labis na mag alala.
Masalimuot na nakaraan ayaw ko ng balikan, Kaya desisyon ko'y wag nang pagtakhan. Pag kwento'y nilahad, ako pa di'y nasasaktan, Kaya nagawa kong kayo'y pagkaitan.
Balang araw masasabi ko rin, Pagluha ko'y pipigilan ng mariin. Naipanalo kong laban aking tatanawin, Pagkwekwento ng nakingiti'y magagawa ko rin.
06-02-16 Thursday 9:23 am













