Single ako. Siguro dahil selfish ako.
Ayokong tinatanong ako minu-minuto kung anong ginagawa ko. Kakakilig sa una. Pero isipin mo kung inaaraw-araw na niya.
Naiirita akong papaghintayin ako. O kung kaya kailangan ko siyang hintayin. I want to go wherever and whenever I want to. Ayokong meron akong naiiwanan. At ayoko ring iniiwanan.
Parang nakakapagod na bawat galaw ko kailangan alam niya kasi baka masamain niya. Nakaka-paranoid kumilos. Baka pagsimulan ng tampuhan o kaya away.
May mga araw talaga na gusto kong mapag-isa pero may obligasyon akong samahan siya o kaya sakyan ang trip niya. Ayoko ng ganitong mga expectations.
'Yung thoughts na aside from my own needs, kailangan i-fulfill ko rin 'yung sa kanya. Dapat hindi ko makalimutang bumati o magregalo sa anniversary at birthday niya.
Napapagod na nga ako sa sarili kong drama - tapos magjojowa pa ako? Para ano? Para times two?!
I value my own space and privacy. I hate the thoughts that I have to adjust, more so to change for the other person. Tapos kailangan involved siya sa mga desisyon ko sa buhay?
Iniisip ko pa lang, napapagod na ako. Self, siguro nga you deserve to stay single. Sanay kana rin mag isa diba?
















