Seriously, mahirap maging SCHOLAR. :"|
Scholar ako ng school. Nakapasa ako dun sa offer na scholarship nung entrance exam namin. Kaya malaking kabawasan sa tuition ko ang scholarship. Isa na ring dahilan yun para doon ako mag aral. Naalala ko nun nung bagong pasok ako sa school tapos nag karoon ng meeting lahat ng scholar sa school, napansin ko habang papataas yung year papakonti ng papakonti yung mga scholars. Kaya nga napaisip ako nun eh, paano kaya kapag 3rd year (last year ko) na ako, scholar pa din kaya ako? Pero naging positive ako nun kasi alam kong kaya ko yan.
Ngayong nasa 2nd year na ako at next year ggraduate na ako ng college, masaya ako't hanggang ngayon SCHOLAR pa din ako! =))) Ang saya ko lang talaga kahit na hindi pa ako graduate, kasi ACHIEVEMENT na din yun. Hindi madaling mag maintain ng grade para ma abot ang REQUIRED grade/GWA ng isang scholar. Ang required grade ko ay 2.50 at ang required GWA ay 2.00. Pero ngayong mag sisimula ang 3rd term, napapaisip ako sa lahat ng posibilidad na mangyari. Kaya nga sana malampasan ko lahat ng bagyong dadating ngayon YEAR (2012) dahil uulan ng THESIS ngayon. Kaya I hope pag ka graduate ko, SCHOLAR pa din ako. :)))











