SHE’S DATING THE GANGSTER MOVIE REVIEW
Thank you sa two months, two weeks, three days, ten hours, fifty seven minutes na pagmamahal na babaunin ko buong buhay ko.
-Athena
It’s been what? Almost months nang ipalabas ang She’s Dating sa sinehan. Well, we all know that She’s Dating is a movie ADAPTATION of the very famous book that ate Bianca wrote. Hindi na ako magkakaila. Isa ako sa sobra (as in sobra talaga) na na-hook sa kwento nila Sexy Love and LoveBabe. Lahat ng volumes ng libro, simula sa unang print, pangalawa hanggang sa pinaka bago meron ako. And pina-print ko pa din siya dati, bago siya gawing totoong libro. Ganoon ako sobrang nagging adik sa buhay nila Athena at Kenji.
Before I wrote these movie review, nagbasa basa na din muna ako ng ilang review mula sa iba’t-ibang tao. Some of the reviews ay agree ako, meron ding naming hindi.
I read an article about KathNiel. It was after they shoot the movie. Sabi nila, Direk Cathy told them na she want the both of them to be a real artist. Which means, gustong palabasin ni Direk Kathy ang totong potentials ng KathNiel as an artist. And I can say that the both of them improved their acting skills, lalong lalo na kung papaano paglaruan ni Kathryn ang lines. Mapa-comedy or drama, siguradong madadala ka niya. And it’s a great factor why these movie leaves something in me (though story palang siya sa book sobra sobrang tinamaan na talaga ako). Hindi ako fan ng KathNiel pero sobrang kilig vibes ang binigay nila sa akin noong pinapanuod ko tong pelikulang to.
Damit and settings. Well, alam naman nating lahat na ang daming bimatikos kay DP noong sa teaser, well for me okay lang talaga siya. He gives justice sa mga kasuotan noong 90’s. bakit? Noong 90’s ba ang suot ng mga gangster noong panahon na yun ay kagaya ng sa atin ngayon? Hindi ba, hindi? Yung suot niya nag-compliment lang sa theme noong flashback. The 90’s part, isa kasi akong Eraserheads fan and I love how the flashback part started. Yung kanta ng Eheads na sobrang sikat na sikat noong panahon na yun (na hanggang ngayon). It gives the viewers the idea that the setting is on 90’s, ang ganda ng entrada niya.
Storyline and Screenplay, madami akong nababsang rants about sa story itself. Bakit daw nabago? Bakit daw ang daming nawala? Bakit hindi nagkatuluyan si Kenji saka si Athena e sa libro nagkatuluyan sila, nauna lang namatay si Athena. Para sa akin, I LOVE HOW THE STORY GO. Why? Kahit na madaming naiba, kahit na madaming nawala, young main point nung story natira. And ano naming silbi ng isang pelikulang wala ngang binago mula sa libro if it’s not worth watching? I’ve fallowed Ms. Carmi Raymundo (the writer of the movie) on instagram and she posted there her “hugot” on the story. Sabi niya, nung binigay sakanya yung pelikula hindi niya talaga alam kung anong gagawin niya, then nanay Cathy Garcia-Molina called her and explain to her some points na pwedeng gawin sa story. At doon siya nakabuo ng storyline; sabi niya why not write a story na magbibigay pasasalamat sa ating mga magulang. Para sa akin, hindi nawala ang totoong kwento ni Kenji at Athena sa pelikula, nadagdagan pa nga nila Kyle at Kelay. Nagkaroon ng iba pang atake, hindi lang basta-basta isang love story, kundi nagkaroon siya nang kakaibang sipa na tatagos sa manunuod.
All in all, kudos to the team that made our dream possible. Inay (makiki-nanay na din ako) Cathy Garcia-Molina for making very good movie that is worth watching. Mas nag-improve din ang KathNiel sa kanilang actong skills and I know na dahil yun sa kanya. Sav KathNiel na bumuhay kila Kenji at Athena. Ms. Carmi Raymundo na humugot nang todo todo sa pelikula. At syempre kay Ate Bianca Bernardino, for sharing with us her story na sobrang nagging parte na nang buhay ko.









