Isa, Dalawa, Tatlo...Handa, Takbo!
Minsan mong sinabi sa akin na ikaw yung tipong mahilig makipagsapalaran. Mahilig ka sa mga bagay na para bang sinusubukan ang iyong katapangan, parang palagi kang may gustong patunayan. Kaya’t naisip kitang samahan.
Sabay nating sinakyan ang biyahe ng buhay. Sabay nating tinungo ang tuktok ng mga bundok at halos mauungusan na natin ang mga ulap, sabay nating sinisid, nilangoy ang kalaliman ng dagat at inangkin ang mga alon, sabay tayong tumalon. Piniling kalimutan ang kahapon.
Sa tuwing natatakot ako ay naryan ka para hawakan ang aking mga kamay, marahang sisipol ng paborito mong kanta, sa tuwing akoy ay nagdadalawang isip at parang hindi ko kaya, bubulong ka sa aking tainga, ‘kaya natin tong dalawa, isa, dalawa, tatlo, handa? takbo.’
Minsan kong sinabi sa iyo na gustuhin ko man o hindi, ang buhay ko ay pakikipagsapalaran. Madalas akong nagkukumahog lumangoy sa luha kong sinlalim ng karagatan, madalas palutang-lutang sa kawalan, madalas tinitiis ang paikot-ikot na tsubibo kong emosyon at isipan. Halos gabi-gabi may halimaw akong bisita, mga multo ang katabi sa kama.
Ngunit ngumiti ka.
Sinabi mong ikaw yung tipong mahilig makipagsapalaran. Mahilig sa mga bagay na sinusubukan ang iyong katapangan at kahit pagkabigo man ang iyong maranasan sa hulihan ay ayos lang. Hinawakan mo ang aking mga kamay at sinipol ang paborito mong kanta. Sabi mo, ‘May papatunayan tayong dalawa,’ Kaya’t kahit na nakakatakot nang magpatuloy pa, isa, dalawa, tatlo, di man handa’y kinaya ko pang tumakbo.
Minsan sabay nating tinungo ang isang paraiso. Isa, dalawa, tatlo, handa, takbo. Pikit mata at walang pagaalinlangang tumalon tayo mula sa tuktok ng na para bang nagparaya, kahit saan na tayo dalhin ng pwersa ng uniberso ay ayos lang.
Ayos lang.
Ngunit pagdating sa baba, sa mismong pagtama ng malamig na tubig sa iyong mukha, ay parang napagtanto mo na nasa kanya parin ang iyong mundo. Hawak niya pa rin ang puso mo.
Minsan sinabi mo sa akin na ikaw yung tipong mahilig makipagsapalaran. Mahilig sa mga bagay na para bang sinusubukan ang iyong katapangan. Marahil hindi mo kinaya ang mga multo sa pagkatao kong sementeryo. Marahil hindi mo na malangoy ang mga luhang minsang naibubuhos ko sayo. Marahil ay hindi naging sapat ang iyong yakap bilang tanikala sa mga demonyong pilit kumakawala. Marahil hindi tumalab ang pagsipol ng paborito mong kanta laban sa ingay nila. Ngunit bakit parang ako ang nagkulang?
Hindi ako katulad mo na mahilig makipagsapalaran. Ang ating mga naranasan ay madalas ko lang nababasa sa mga librong lagi kong kasama. Madalas akong nagmumukmok sa kwarto at nakikinig lang ng lumang musika.
Ayos lang.
Ngayong gabi, muli ko silang makakatabi. Ngunit may bago sa mga multong ito. Gagayahin nila ang iyong maamong mukha, sisipol ng paborito mong kanta, ngunit imbes na gumaan ang loob ko’y matatakot ako sa kanila. Ngunit wala ka na para ako’y hawakan pa. Sisipol pa rin sila ng paborito mong kanta, maghahabol nalang ako ng iyong mga alaala. Pwede ba? Isa, dalawa, tatlo. Hwag ka namang tumakbo?
About the candle:
Chandler: Biene Lumiere (IG: @bienelumier)
Scent: (Sea scent) A very relaxing blend of white musk and bergamot. Honestly, this is how I imagine a Caribbean cruise would smell like. Its smells fancy and lux but at the same time really welcoming and delightful.
Wick: Cotton
Vessel: Amber jar with silver tin screw lid.
Performance: The cold throw is very faint. I didn’t really expect for this scent to be strong since its better for it to be subtle. Hot throw is alright although I smell the cotton wick burning along with the candle itself. Because the scent is subtle, the burning cotton wick overpowers it at time. My favorite thing is how the scent lingers in my room.
Final Thoughts: 7/10 okay experience. Maybe I’m just not a fan of the notes used. It did smell good but it felt...flat? Its good but I can’t find anything exciting about it.








