Nagseselos ako >.<
Sa totoo lang, wala naman akong dapat ikaselos sa babaeng yun e. Kasi alam ko naman na loyal yung boyfriend ko at hindi sya gagawa ng bagay na ikaseselos ko o ikasasama ng relasyon namen. Pero bakit ba kasi masyado akong affected kapag nag uusap sila? Naiinggit ako kasi okay lang sa boyfriend ko na ilabas yung closeness nila nung girl sa social network, pero yung relasyon namen hindi ganun. Although alam naman ng marami ung relasyon namen. Inaamin ko, naiinggit ako sa mga couple na sobra kung maglambingan sa comment bar ng facebook, tweets sa twitter at kung saan saang networking sites pa, na kulang nalang ipa-tv pa nila ang love story nila para lang ipagsigawan sa mundo na mahal nila ang isa't isa. Oo, gusto ko ng privacy para sa relasyon namen. Pero ok lang naman siguro kung gamitin namen ung facebook para makapag usap minsan, katulad ng ginagawa nilang magkaibigan. Naiinis ako kasi yung babaeng yun din yung babaeng pinagselosan ng bestfriend ko dati. Actually dapat wala akong nararamdamang ganito, kasi wala naman silang ginagawang masama ng boyfriend ko. Alam ko din naman noon pa na magkaibigan sila at super close. Pero wala e, di ko talaga maiwasan. Selos ba talaga to, o insecurities lang?










