deadline
naririnig ko ang pagdaloy ng bawat minuto
sa pag-ugong ng laptop, sa pulsong tumitibok sa'king mga tainga. ito ang buod ng madaling araw; ang pagtuloy ng kahapo'ng di matapos-tapos.
ang dahan-dahang pagsikap ba ng araw ay dapat tawagin'g dakip gabi? ito ba ay pag-suyo sa mga bagay na hindi na mahahabol? na, baka sakali, dapat hindi na habulin?
imbis na umasa sa sagot sana'ng dala ng liwanag, kakapit na lang ako sa ligtas ng dilim. ligtas na madadala lamang ng isang kahapon na hindi umaabot sa 'ngayon'; isang 'ngayon' na hindi magpapalipas sa isang 'bukas'; 'doon', kung saan man iyon, wag na sana'ng lumipas ang gabi.







