Dear Heylee. Mga sulat na di mo mababasa: Sulat galing kay Ms. Red
It has been four months. Naalala ko pa rin lahat. Di pala madaling makalimot. Somehow, today, Naisip kong basahin ang isang notebook kung saan sinusulutan kita araw araw. Matagal ko ng tinigil magsulat dun for the hopes of baka mas mabilis kitang makalimutan. Sana pala di ko na lang binasa. Sana pala, di ko na lang kinuha. Masakit parin. Masakit pa rin isipin at tangapin na yung taong pinagkatiwalaan mo, yung taong binigay mo ng buong buo ang sarili mo, kaya kang bitawan ng ganun ganun na lang. Sasabihin sayong ayaw na niya, sasabihin sayong di na niya kaya.
Kaya siguro mahirap kasi, naniwala ako. naniwala ako sa lahat ng sinabi mo. Siguro ako yung taong mabilis maniwala, mabilis magtiwala, mabilis umunawa. *sigh*
di ko naman isesend to sayo, so, dito na lang to. Sa totoo lang, iniisip pa rin kita. Madalas kang pa ring sumasagi sa isip ko. May mga bagay, may mga pagkakataon na sana pwede kong ipakita sayo o ishare sayo kasi alam ko matutuwa ka.
Alam ko naman na masaya ka na. So anu para istorbohin kita. BS nga lang, parang ako pa ata dehado, ako na nga iniwan, parang ako pa ung mas lalong nasaktan. Ganun ata talaga. Ganun siguro talaga.
Di pala madaling turuan ang puso na i-unlove ang isang tao. Gago ko lang kasi iniisip pa din kita, eh samantalang masaya ka na kasama siya. Ganun ka na nga ba? anung pagbabago nga ba ginawa mo? para iwanan mo ko at ipagpalit sa kanya? anu bang meron siya? Gago mo talaga. sakit ah.








