narealize ko kung gaano ako immune sa mga alarm ko. Hindi na ako nagigising sa kanila, gaano man sila kalakas. 6am nanaman ako nagising.
6:30 na ako umalis ng bahay. as usual, late.
pero ang himala, 7:30 nasa may vito cruz na ako. Edi good
15 minutes late lang naman ako for Theo. 3 hour class 'yun. Kahit 8 pa ako nakarating, papasok parin naman ako.
Spent all night reading our report for Theo...
...Nalaman ko na pareho ang report nila Raia sa amin. Brain Drain din yung sa kanila.
Sila muna pinareport. Tapos kami, i-"reinforce" nalang daw namin with our own report. Eh lahat ng pwedeng sabihin nasa report na nila. So pinakita nalang namin yung video ni Gloc-9. na-LSS ako saglit. Napakaraming tama dito sa amin, pero bakit tila walang natiraaaa~
For the remaining time, nanuod kami ng Sister Stella. Wala akong nagets.
After class, nagbalak kaming pumunta ng McDo kasi bukas na daw. As a class. Sabi nga sa text ni Rocky "217 unite!"
napatambay ako sa hallway, at nakausap ko si Jhenz. May nalaman ako. Thank you ng sobra. :> now I know.
NAPAKARAMING TAO DITO SA MCDO... PERO BAKIT TILA WALANG UPUAN. NAGDADAGSA SILA~ nye korny.
Selos ang KFC sa tabi. Meron din silang malakas na sound system, tsaka yung parang sumasayaw na tube. Pero mas asenso sa McDo kasi yung tube nila may arms, (HAHAHAHAHA GINAGAYA KO SYA) at sila, may free photobooth pa.
Ako, Abi, Tin, Sha, Alex, Pam, Chloe, Dyan, Mona, & Aya. Antatakaw natin.
May coke float na nga ako, may mcflurry pa. Chicks.
Anlamig pa ng pwesto namin ni Abi. Nakatapat sa amin yung aircon. Ceiling aircon kasi. hanep. Ang lamig. Hirap magtext.
... SINONG HINDI SUMULPOT?
... DEFINE TALKSHIT. /:) EHEM. EHEM. ROCKY LABAYEN.
sya 'tong nagyaya, sya 'tong wala. GOOD JOB, PARE. :))
2pm pa practice, tumambay muna kami ni Sha sa dorm ni Alex.
Photobooth. Photobooth. Photobooth.
Movie: 'Millionaire's first love' ba yun? basta. di rin natapos kasi we had to go.
bihis para sa practice. Nakasalubong sila Rocky sa gym. HAY. NA-KO.
'Wag ka mag-alala, Rocky. Talkshit ka nga, dakila naman! :D
Practice na para sa cheerdance.
5:30, pinaalis kami kasi 'yung grade school pep na daw ang gagamit ng dance hall.
NAGBUHAT AKO. MAY SCOLIO AKO. PERO NAGBUHAT AKO. Shet talaga. Hello back pains~
Mabagal nung una, pero nasanay rin. Bumebwelo pa'ko. Ohyess. Proud.
Di ko nalang sasabihin ke papa na nagbuhat ako ng mabigat. Magalit pa e.
6:30 natapos rin ang practice. Sobrang sakit na ng katawan ko. I'm sure, kaming lahat. Andaming steps. Hindi ko na masyado makabisado kung anong routine yung susunod paminsan. At may nalaman pa ako, nairita ako. Tangina niyo. Malalakas lang kayo kapag magkasama kayo. Bwiset. Putangina, TWALYA LANG 'YON. BV.
Umuwi na rin. Binigyan ko pa si Renz ng 60 para lang makapagpractice siya at makauwi. I'm such a good friend~
Nakita ko sila Kuya Sioti sa may BPI. Meh. -_- Pagalit ko pa ata hiningi 'yung mga lanyard e. ewan ko.
Pagtawid papuntang Torre Lorenzo. Mga 10 minutes ata akong nakatayo doon. Nagdedesisyon kung sasakay na ba ako ng bus o magjjeep papuntang Buendia.
Bus - tayuan na. Jeep - mag-isa nanaman sa Buendia.
Sa sobrang pagod ko, ayoko talagang tumayo sa bus, dami ko pang bitbit nun, pinili ko nang balewalain 'yung takot ko at sumakay ng jeep papuntang Buendia.
...Saan pa ba kasi kayo pumunta, Rocky? Sana sumabay nalang pala ako sainyo. :|
Naka-survive din ako sa Buendia. Fuma-flashback lang ang ..pangyayari. Pero pagsakay sa bus. Okay na.
Naging good samaritan pa ako, Nasa harap kasi ako at may matanda na nakiusap kung pwedeng siya nalang daw sa upuan ko. Pumayag naman ako agad, siyempre at lumipat sa likod.
... sarap ng tulog ko. Nagising ako nasa may PhilAm na. Ta's tulog ulet. Gising ko, Casimiro na, tulog ule, ta's Times na. (nalilito ako. tama ba? basta nagising ako, anjan na yung bus) Di na'ko nakatulog kasi biglang lalake na 'yung katabi ko sa bus. Nako po.
Hanggang Town Center 'yung bus kaya bumaba ako ng Toyota.