Si lola ng Ayala
"Tulad ko naghahanap din sila ng kani-kanilang mundo. Yung mundong sila lang ang Diyos. Sila ang hari, hawak nila ang pagkakataon.Hindi sila naiiba sa akin. Pare-parehas kaming uhaw sa kalayaan. Sa pagkakataon. At sa hinabahaba ng nilakbay namin. Pare-pareho lang ang kababagsakan naming lahat ang paghahangad ng panghabang buhay na kasiyahan."
Si lola, Hindi ko alam kung bakit interesante ako sa kanya. Nang maispatan ng aking mga mata si Lola. Kakaiba yung pakiramdam ko sa kanya. Para bagang may mabigat sa puso ko at gusto ko siyang lapitan at kausapin. Ngunit sa katahimikan niya at sa pagnamnam ng mga sandali. Hindi ko na siya nagawa pang lapitan at usisain. Sa gitna ng modernong kabihasnan ay may nagkukubling isang dapithapon sa gitna ng tirik na araw. Ang mga huni ng ibon, lagaslas ng mga dahon at ingay ng kalye ang bumabalot sa gitna ng isang parke. Naisip ko nalamang na pabayaan si Lola sa kanyang ginagawa, marahil magnanakaw ako ng pagkakataon pero gusto kong makuha ang kanyang atensyon. Malamang si Lola, sa lamig na dulot ng mga punp at sa usok na bumabalot sa Ayala ay nagiisa nanamang ninanamnam ang hirap at pighati. Sinasariwa ang kalungkutan at kinatandaan ang mga pangyayaring nagpaputi sa kanyang buhok. Sa nakaw kong larawan. Hindi ko maitangging kaawaan si lola. Baka hindi pa siya kumakain at baka uhaw pa siya sa kasiyahan. Wala akong magawa kundi lumapit ng bahagya at kunan siya ng litrato. Ito ang magpapaalala sa akin na ang buhay at isang masukal na daan. Na kapag hindi ka lumaban, hindi mo makikita ang sarili mong matatag at nakatayong humaharap sa dapithapon. Tulad ni Lola ng Ayala Triangle Park, sa minsanan kong pagtambay sa parkeng iyon, May nagpa-alala sa akin na dapat labanan ang buhay. Dapat maging matatag sa pagharap ng problema. At sa sandaling hindi mo kayanin, huwag mawalan ng pag-asa. Ang paghahangad ng kasiyahan ay siyang dapat na itatak sa isipan natin. Kahit dumating man ang pagiisa sa buhay, ang dapithapon ng panahon at ng sandaling iyon. Huwag huminto sa pagsuong sa arawan. Maging matatag at harapin ang bukas.












