Bigla akong nalungkot
Naalala ko kasi nung hs ako nacosd ako may ginawa kasi akong shit may nabasa si mommy sa fb account ko related sa school yon. Nadepress ako sa ginawa ni mommy kasi secret lang namin nung best friend ko yun so ayun nga. Bigla ko si mommy nasigawan sinabi ko "NASAAN BA KASI TATAY KO" nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya ineexpect siguro na malalaman ko... Grade 6 ako non, syempre nagkakaisip na ako nun. Nag tataka na ako bat wala akong tatay? Minsan kasi hinahanap hanap ko yung merong magsasabi sakin na "subukan mo lang magpaligaw bubugbugin ko yon" syempre diba kasi nag dadalaga, ganon mga daddy diba? So ayun na nga, hinahanap ko daddy ko hanggang sa yung kapit bahay namin na kalaro ko sinabi sakin na "sinabi ni tito vic na ampon ka daw" Oo, ampon talaga ako. Grade 5 pa lang alam ko na kasi yung lola ko matanda na pag nag aaway kami sinasabi niya sakin na "palibasa iba nanay mo" kaya ayun. Nangungulila ako sa pag mamahal ng isang tatay. Yung magsasabi ng kung ano ano pag nagkaboyfriend ako yung ipagtatangol ako, yung magbabantay sakin pag kinasal ako. Alam niyo yun? Gusto ko ng ganon feeling sa totoo lang.. Syempre, kahit ampon ako wala naman ako balak hanapin nanay ko kuntento na ako kay mami. Naiintindihan niya ako, mahal na mahal ako, open kami sa isat isa. Ang sakin lang, hindi na kasi siya nakapag asawa dahil sakin. Pero tbh, gusto ko pa din makilala yung totoong nanay at tatay ko. Pero siguro, hindi ako sasama sakanila gusto ko lang maramdaman yung hahabulin din ako. Gusto ko makilala yung tatay ko kasi ayun yung wala ako ngayon. Ang swerte niyo kung may tatay kayo. Kasi, ayun yung wala ako ;( malungkot kasi minsan mapapaisip ka na gusto mo merong taong lalake magiging over protective sayo basta ayun. Yung papahalagahan ako. Yung masasabi ko sa isang picture namin na "u'll be my forever boyfriend iloveyou pa!" Papa, kung nasaan ka man, miss na miss na miss na kita! Papa, i love you po. Sana po magkita na tayo. Nangungulila na po ako sainyo pati sa yakap niyo. :( Mahal na mahal ko pa din si mami kahit naghahanap ako ng pagmamahal ng tatay.












