napanaginipan ko yung bestfriend ko kagabi
magkausap kasi kami bago ko nakatulog, well halos araw araw naman ganun yung set-up. pero kasi nasa canada yun. tapos uuwi sya sa august. tapos basta eto yung panaginip ko.
scene 1
nasa parang kwarto sya. tapos pinapasok ako nung ate nya dun sa room, pag tingin ko sakanya, may piercingS yung tenga nya! as in andami! halos mapuno yung tenga nya ng hikaw! e di ako nagalit ako sa kanya, kasi ayokong mag hikaw sya. najojologs-an kasi ako sa lalaking may hikaw. lalo pag madami, naiinis ako. mukang feelingerong gangster na ewan. so ayun pinatanggal ko sa kanya yun lahat. tapos ng blur na
scene 2
magkaaway pa din ata kami. basta parang ganun. tapos na stranded kami sa isang place. next thing i knew naka-sakay na kami sa parang truck na ewan. tapos tumigil kami dun sa parang bahay ng tita ata nya. tapos may commotion dun sa labas. pag tingin ko andun na yung relatives ko pati yung sa kanya, tapos parang sinasabi na bakit daw hindi sinabi na magkakilala kami and all that shizzups. tapos may nagsabi pa ng program kung san makikita mo kung ano yung connection mo sa iba't ibang tao. basta ang gulo. tapos nagising na ko
ngayon ko nalang uli sya napanginipan. well at least yung naalala ko. alam ko last year pa yung huli e. tapos ang weird weird nya kausap kagabi. feel ko nakainom yun e. pero parang hindi naman. basta ang weird lang. mukang tanga. hahaha










