Paalam sa taong nagbigay liwanag sa'king buhay.
Sa taong nagbigay ng rason para ako'y ngumiting muli.
Paalam, sa taong naging rason para maniwala ako,
Na may lugar sa mundo para ako naman yung masaya.
Sa taong humawak sa kamay ko ng mahigpit,
At sinabing kakayanin namin ang lahat.
Ang nagiisang taong nakaintindi,
Nung ako'y sukong suko na.
Paalam sa taong ginusto kong mapasakin hanggang dulo,
Mayakap at makasama hanggang sa pagtanda.
Sa taong nagpabago sa curso ng buhay ko.
Sa taong nagpaniwala sakin na kaya pang magmahal,
Ng puso kong durog at pagod na sa kakahanap.
Sa taong makakaintindi sa lenguahe ng pag-ibig na alam ko.
Sa taong magbibigay ng pag asa, sa malungkot na kaluluwa ko.
Paalam sa taong nahanap ako nung akala ko'y di na iibig muli.
Sa taong nagpasaya at naging rason ng pag tuloy sa buhay.
Sa taong nagpakita na may pag asa pa,
Balang araw, makikita ng taong 'to na di ako nararapat,
Sa mga ngiti niyang abot langit.
Sa pagmamahal, o sa matatamis niyang tawang ka'y sarap pakinggan.
Paalam sa matatamis na sandaling hindi ko kailanman inakalang mapapasakin.
Pero bakit kahit ilang paalam ang sabihin ko'y gusto parin ng puso ko?
Kahit paglisan nalang ang paraan, gusto ka parin balikan?
Gusto paring marinig ang iyong tawang parang musika sa'king tenga?
Gusto paring mahawakan ang mga kamay mo't mayakap ka palagi?
Kahit anong gawin, ikaw parin.
Paano na? Paano na magpapaalam na ako'y lilisan?
Paanong makakalisan sa luhang halos maging dagat dahil sa sakit,
Sa sakit na ika'y mawawala ulit?
Hindi maitatangging mahal na mahal kita.
Kung babawiin ba ang mga nasabi,
Babalik ka ba sa'king tabi?