Top 1
Kick ball
“Wish upon a Ball Award”
Pinaka gusto ko itong laro na ito kahit nung bata pa lamang ako. Tuwing hapon pag dating galing eskwela ito na nilalaro namin ng mga kaibigan ko. Sa bakanteng lote sa likod ng bahay mula hapon hanggang dumilim andun kami nag lalaro. Hanggat hindi kami hinahabol ng mga nanay namin ng tsinelas para paluin sa pwet at pauwin hindi kami titigil. O di kaya, hanggat hindi nasisipa nang sobrang lakas yung bola papunta sa kabilang subdivision, hindi kami uuwi. Kaya’t nung nilaro namin ‘to sa school kamakailan, ang saya lang ng feeling. Parang bata uli. Pero this time hindi na pagkatapos ng eskwela kasi mismong mga kaklase ko na ang mga kalaro ko.
Highlights
Noon ang gamit naming na bola ay yung kahit anong bola lang na mabibili sa palengke basta tumatalbog okay na. Pero sa klase, ang ginamit na bola namin ay yung pang dodge ball. Mejo mabigat at hindi bouncy yung bola so mejo mahirap timplahin yung sipa kung lilipad ba or magiging palpak ang sipa mo. Since ang laro ay tulad ng baseball na dapat malakas ang palo para maka home run. Sa kick ball, dapat malakas ang sipa para malayo ang lipad ng bola at para makaiwas sa mga sasalo na kalaban. Nung bata ako, dahil bata pa ako nun, mejo may kadayaan pa, sinusuot ko yung roller blades ko sa kanang paa para iyon ang ipang sisipa ko sa bola, so tendency mag oober da bakod yung bola. As in, napupunta sa kabilang subdivision sa sobrang lakas ng impact kaya automatic home run na ‘yun. Iyong tipong kailangan pang umakyat ng bakod at makiusap sa mga tao sa kabila na ihagis pabalik yung bola sa amin para magtuloy iyong laro. Pero syempre hindi ko naman pwede gawin yun sa klase di lang dahil sa matanda na ako pero kase wala na rin akong roller blades.
Sa klase, naging ka team ko si coach Jo-ann. Ang epic lang kase pagka sipa niya nung bola ay kasabay rin ng pagtalsik ng sapatos niya sa ere kaya nagtawanan kaming lahat. Pero hindi ito nag dala ng swerte sa aming koponan kase kami ay naging underdog, anlayo ng score ng kalaban sa score namin. Basta hindi katanggap tanggap, kaya’t pinilit ko na lang kalimutan. Kay gagaling ng mga kalaban namin na sumipa. Ang layo ng sipa nila umaabot hanggang sa labas ng basketball court na linya. Sa sobrang laki rin ng gym ang hirap habulin tapos ang bigat nung bola kaya sobrang challenge sa team namin ibalik ang bola sa gitna. Gayunpaman, sobrang na enjoy ko yung laro at namiss ang roller blades ko.
MVP
Coach Jo-ann Grecia













