Dear ex boyfriend,
dear ex boyfriend,
hmmmm, ano, salamat sa ginawa mo, actually wala ka naman talagang ginawa e, as in sobrang wala kaya ako nawala, tapos nung nawala na ako, wala ka pa ring ginawa. Pero salamat kasi dahil dun natuto ako, dahil dun naging matatag ako, dahil dun naging ako na yung ako ngayon, dahil dun ang dami kong natutunan. Tsaka kung di mo ginawa yun (ginawa ang ano? wala ngang ginawa diba? -_-) e di sana di ko sya nakilala, di sana ako ganito kasaya. O diba? naging cupid-in-disguise ka pa ngayon?
sincerely,your ex

















