Hays. Ayun napagod nanaman ako. Pero masaya kasi nakasama ko yung mga kaibigan ko na parang pamilya ko na rin. Ayan gumising ako ng 8am kasi may usapan kasi kami nila bulatengnilabatiba at alykafreak na magkikita-kita kami sa WOF ng 10 am. Naligo na ko ng 8:30 pero late pa din ako. Pano ba naman ako hindi male-late kung napasarap upo ko dahil sa twitter at tumblr? Ayan na. Nakarating na ko sa WOF at nung nakita na nila ko umalis kami agad di na nga ko naka upo eh. Habang naglalakad kami medyo nahihilo ako feeling ko nga nakalutang na ko eh. Pero nawala yung hilo ko kasi nakita ko yung crush ko. :'> Odba? Ang landi ko xD mehehe. Okay balik tayo sa istorya. Ayun na nga, nagkita kami ni Jat at nagulat ako dun ng sobra kasi nung nakaraan lang naiisip ko siya. Sobrang kinikilig talaga ko nun. Yung tipong pag tapos namin mag-usap napatalon at napasigaw na ko agad? Waaa. Nakakakilig naman kasi eh :'>
Ayan na nakasakay na kami ng jeep papunta sa may Converse Warehouse kasi bibili ng sapatos si bulatengnilabatiba at alykafreak. Habang nasa jeep hindi ko pa din mapigilang ngumiti at kiligin kasi sobrang saya ko. (okay tama na ang landi) Ayan na nakarating na kami sa pupuntahan namin sa kasamaang palad medyo mahaba yung pila pero keri naman. Habang naghihintay kaming makapasok nagusap-usap kami ng kung ano ano hanggang mapunta kami sa usapang tumblr famous.Wala lang. mehehe xD Maya maya ayan na nakapasok na kami sa loob ang saya lang :)) Kaso ang daming tao kaya ang hirap maghanap. Nakarating kami dun ng mga 10:30 am at nakalabas kami ng mga 1:30 na ata nun? Nakabili sila ng dalawang sapatos at dalawang jacket. Ako? Nganga. Walang pera eh :( Grabe sobrang uhaw na uhaw ako at GUTOM! Oo gutom ako. Lagi naman eh.
Paglabas namin nakaramdam ako ng saya kasi makakainom at makakakain na ko.Sumakay na kami agad ng jeep papuntang Gateway para manood ng PIU Nationals. Pero di na sumama si alykafreak kasi maliligo pa daw siya eh. Kaya dalawa na lang kami ni bulatengnilabatiba nag punta sa Gateway. Ayan na nakarating na din kami sa wakas! :> Ang saya lang kasi ang damin tao. (malamang PIU Nationals eh) Nakita namin si skepticalsoul at nakita ko na din ang ibang Fz. At akala ko rin makikita ko na yung alaga ni bulatengnilabatiba na si Chris. Kaso di ko naman nakita kasi bumaba daw sila nila Yano. Bumaba na din kami saglit para kumain pero ako lang naman ata kumain eh -_-
Habang nakatambay kami (hindi ko alam kung san yun xD) Bigalang dumating si Awin. Ang epal nga eh. Maya maya dumating na din si Ate Holy at Jimmy. Bumalik na din kami sa taas para malaman kung ano na ang nangyayari. Kaso wala. Di ako masyado nag enjoy. Mas nag enjoy pa ko sa biyahe eh. Ayan naisipan na namin magpunta sa Sta. Lu. Ang saya lang kasi medyo nag adik kami sa PIU (medyo lang ba yun?) Ang saya kasi nagpaturo ako kay skepticalsoul kaso nabitin ako. Kaya nagpabili na din ako ulit ng token kay bulatengnilabatiba. Ang saya kasi ang daming credits. Habang naglalaro na sila Jimmy at Ate Holy, nang hiram muna ako ng damit kay Awin kasi medyo nahihirapan ako maglaro sa suot ko. Maya maya nung maglalaro na ko sinabi saken ni bulatengnilabatiba na salitsalitan na lang kami sa bawat stage. Nung una ayaw ko pa kasi gusto ko na agad maglaro pero nung natry ko na ang saya pala kasi di ako masyado napapagod. Ang saya ko kasi naging mentor ko bigla si bulatengnilabatiba. Lahat ng lalaruin niya lalaruin ko din. Grabe feeling ko lumakas talaga ko kasi nakakapag level 16 ako bigla. Yung Energizer s16 na A ko na kahit dalawang beses ko pa lang nalalaro. Una ko kasing nalaro yun nung nag exam ako eh. Letter D pa. WAHUHU. Medyo nababasa ko na din yung Jonathan's Dream. S16. Ang yabang ko diba? Sorry na. Iniisip ko nga din kung lumakas ako o dahil lang yun sa damit na suot ko? WAHAHA.
Nauna naman nang umuwi yung tatlo (Nick, Holy,Jimmy) pero may bumalik naman. Dumating ulit sila Yssa, Maku at Rafael. Pagkatapos namin magalaro, naglaro na din sila Maku at Raf ng PIU. Si bulatengnilabatiba naman busy maghanap ng matulis na bagay na makakagupit dun sa eklavu ng sapatos niya. Nagpunta sila sa may kuhaan ng prizes para manghiram ng gunting at ako naman bumili ako ng gulaman. Pero pagbalik ko, nakita ko yung isa ko pang crush. Masaya na sana kaso kasama pala niya girlfriend niya :( wahuhuh. Ayoko na nga. Ang landi landi ko na eh xD Pagdating ko ulit dun sa may EX umupo na ko at maya maya dumating na si squeekeek. Pagtapos naman nila maglaro naisipan namin tumambay sa bakery. Dumiretso na din dun si Mean at Kuya Lester. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Mhia at sumama na din siya sa pagtambay. Ang saya kasi medyo madami kami. Nakasalubong din namin si Mean kasi pinuntahan niya si Jazz. Yeah! May dumagdag pa :D Pagdating namin sa bakery ayan na! Tambay, kain, inom ng softdrinks, kain balot at penoy. Habang kumakain nagkwentuhan naman kami ng kung ano ano at pinag chismisan ang kung sino sino xD Charot!
Nung medyo wala na kaming magawa sumigaw bigla si Maku ng DUNGEON! Napaisip ako kung ano yun? Ayun pala dadaan kami sa napaka dilim na lugar. Ayan na nagkayayaan na napadpad na kami sa madilim na lugar. Akala ko di ako matatakot kasi ang iksi lang nung dadaanan pero hindi eh. Natakot pa din ako. Ako na duwag. HUHUHU. Diniretso na namin ang paglalakad hanggang bayan. Naghiwahiwalay na din kami pagdating dun. Kami na lang ni Maku yung magkasama buti na lang nakasakay ako agad ng jeep.
Pag uwi ko sa bahay, naisip ko agad mag post dito sa tumblr. Dapat nga madami akong ipopost pero naisip ko na hahabaan ko na lang 'tong post ko at dito ko na ilalagay ang lahat para isang bagsakan na lang. Ayan wala na kong masabi. Kasi nasabi ko na lahat xD Ay basta ANG SAYA KO :))) Ang saya ko kasi may bagong experience nanaman ako.