Gustung gusto ko talaga kapag umuulan. Nagiging maganda ang mood ko. At dahil umuulan, iku-kuwento ko yung mga nangyari kanina.
Umuulan din kanina nung pumunta ako sa SLE. Dumiretso agad ako sa WOF. Una kong nakita si Raf, kausap niya yung Arjay. Andun din si Carl, Mitch, at Anna. Nung tapos na mag PIU si Anna, nagbalak na ako maghulog ng token dahil kating kati na yung paa kong walang buni na maglaro ng PIU. Ang kaso, naunahan ako. Pero okay lang, mas gusto ko naman yung naghihintay. Ayoko na masyado ikwento ng detalyado yung mga sumunod na nangyari dahil.. Basta.
Tapos dumating si Frichelle. May date ata sila ni Raf. Charaught. Nung turn ko na, naghulog na din ng token si Frichelle. Sabay daw kame. Eh ayoko, kaya nagbattle na lang kame. Hahaha. Si Raf naman, pinahirapan masyado si Frichelle dahil ang hihirap ng pinili niyang kanta. Anyways, biglang dumating na si Jaz. Usapan namin, 4pm. Anong petsa na? Charaught.
Ayun, laru-laro lang kami ng PIU. Double performance, Coop mission, Doubles.. Kanina ko na lang ulet siya nakalaro sa PIU. Nakakamiss din pala yung ganun.
Pagkatapos naming maglaro, dumating si Nick. Naglaro pa, nag-adik sa isang credit. Tapos, nagkayayaan na mag-JL. Hinatid muna ni Raf si Frichelle dahil no choice siya. Oh yeah.
Ano pa bang gagawin namin sa JL kundi mag Grand Chase. At syempre, kumain. Nanlibre si Jaz ng drinks, tapos ako naman yung nanlibre ng food. Teka, parang lugi ako dun ah. Tapos humabol pa si JC. Kala ko di siya pupunta. Ayun, pa-level ng onte, heroic dungeon, gumawa ng perfect set na pang B+, nawalan ng net, at ang pinakamasayang part, PVP.
Ang saya lang ng pvp namin, tipikal na laru-laro lang. Yun bang pag natalo ka, hindi masama sa pakiramdam. Ewan ko sa iba pero ganun yung pakiramdam ko kanina. At himala, hindi ako nabwisit kay Raf.
Hindi rin ako makarecover sa experimental Dio ko. :]]
Nung nag out na kami, parang nabitin pa ako. Hahaha. Minsan na lang kasi mangyari yung ganun kasayang pvp bonding namin. At namiss ko talagang kalaro si Mitch.
Ayun uwi uwi din pag may time. Pero tumambay muna kami ni Nick at JC saglit sa bakery. Tapos naglakad pa kami ni Nick kahit umuulan.
Nag enjoy ako ng sobra. Dahil siguro sa ulan? Hahaha. :]
Syempre yung mga naka-tag lang dito yung makaka-relate. :]]