TUMBLR FAMILY.
Natouch naman ako. Grabe, I so love my Tumblr friends/HOHOL buddies/Bubbly gang talaga. Sobrang namiss ko sila kasama and at last, after 4 months, nagkasama-sama ulit kami kahapon plus some Tumblr friends. Sayang lang walang picture at sayang wala din si Kye. Si Kye actually ang laging kulang. In demand e </3 So yun, wala lang. Gusto ko lang gumawa nitong post about them. Kung gano ko sila ka-love and all. Naiyak na pala ko dito e. Haha! It was so unexpected kasi na magiging close and berksxz kami. Super busy pa naman kaya wala nang time lumabas and mag-HOHOL. Pero kapag nakasama mo sila, sobrang saya pa rin at wala pa rin silang mga hiya.
Si ate Tin. Ang Inang Bayan. Very fasyon! Chos. Sya kunyari ang leader. Haha! Soon to be Cinemalaya director! Sya lang ang nakakapagpa-oo saming lahat kapag sya nag-invite lumabas. Tambay ng Bubbly. Di kami mabubuo at magkakakila-kilala kung di dahil sa kanya.
Si Reyzel. Matalinong taga-barrio na gumagamit pa ng dase at uso pa sa kanila ang disco. Confidant ko kapag heartbroken kay... Alam na! Kaso medyo palpak kapag nagdadrama na ko sa kanya. UP Pep fan din kaya kapag may bagong cheer ang UP, agad ko tinuturo sa kanya. Basta, napakawalang hiya. As in walang hiya.
Si Kye. Crush ng bayan! School, Tumblr, san pa ba? Ang aking unico hijo sa aking agency. Wat. Ako pala manager nya. Halos lahat ng raket nya, pinapaalam nya sakin at binibigyan ko sya ng raket. Kaso medyo sablay ako kasi kapag ako na magbibigay, laging di pwede o kaya di pa ready o kaya walang pera. Hahaha! Thankful at mahal ko tong taong to kasi nagi ko syang training ground sa pagiging designer at stylist ko for the future. Haha! Natouch ako nung sinabi nya noon na ako lang yung parang nakakaintindi sa frustrations nya. Kaya kapag nagsi-seek sya ng wisdom tungkol sa industry, kinukwentuhan nya ko.
Si Cheddy. Meron nga palang exhibit si Cheddy this November! Punta kayo! He'll be great dun! Ang bunso. Uhm, mukha lang bunso. Ang pinaka-busy at pinakamahirap macontact kasi di daw mahilig magtext. Isa pang crush ng bayan. Super talented. Hindi ko pwedeng asarin at saktan kasi baka mag-away ulit kami at ilang buwan na naman akong di kausapin pero yun pala binibiro na lang ako. Konti na lang mas matangkad na sya sakin. Mas mahal ko sya kesa kay Kye <3 HAHA!
Hanggang ngayon di pa rin ako makaget over dun sa "Tumblr Family" ni Cheddy. Ang bigat. Nakakaiyak. Naubos na pala luha ko. Chos. Basta. Ang saya lang kasi na nakilala ko sila at nakakasama ko sila at may nakakaappreciate pala ng presence ko. Wunderkind na kaming lahat. Nakakaproud kapag may naaachieve sila. Sobrang proud ako sa kanilang lahat.
Mahal na mahal ko sila. Hinding hindi ko sila ipagpapalit <3









