Perks of Sleeping 8 Hours A Day
Bakit kailangan mong matulog ng atleast 8 hours a day? Today is the answer. 5.18.17 Nagising ka at 10:20 AM Natulog ka kagabi around 11 oclock, or maybe near 12. Binalak mong gumising at 2am pero nagising ka at 7am dahil nalimutan mong mag-set ng alarm. Hindi ka sanay gumising nang ganoong oras kaya ayaw mo pang bumangon sa higaan. Pero dahil ayaw mong sayangin ang oras, nagbasa-basa ka ng lecture notes sa taxation na dinownload mo nitong isang gabi. "Start small things now..." ang naririnig mong bumubulong sa isip mo. Almost one hour siguro yun hanggang sa nakatulog ka ulit dahil nagbabasa ka habang nakahiga. Wala kang pakialam sa salitang 'sariling disiplina'. Nanaginip ka. Ang haba. Nakakapagod. Kagaya ng mga karaniwan mong panaginip - isa nanamang adventure na hindi mo alam kung paano nangyari. But this time, bago at hindi pa sumagi kahit minsan sa iyong Dreammind. Ginamit mo lang naman ang iyong mga braso at binti na gaya ni Spiderman habang nakakapit sa pader at unti-unting lumalakad/humahakbang/gumagapang papuntang kaliwa. Pasensya na, hindi ko alam ang tamang salita para i-describe iyon. Basta kailangan mong makarating sa dulo nun dahil walang ibang daan. At kailangan mong magmadali dahil nawawala ang nakababata mong kapatid na kasama mo lang kanina. Pitong-taon lang siya. Hindi mo na matandaan kung ano ang eksaktong nangyari kung bakit siya nawawala. Hinihingal ka na. Kaso bigla kang nagising nang kalahati, pero tulog pa rin yung kalahating diwa mo. At narealize mong panaginip lang yon at mas madali mong mararating ang dapat mong puntahan kung gumising ka nalang. Nakita mo yung lugar in zoom-out mode, parang mapa. Sa malayo ay nakita mo ang ibang mga katulad mo na dumadaan din sa pader, pati na rin yung iba na hindi. May mala-mahika silang ginagawa na aakalain mong nanunuod ka ng fantasy movies, yung cartoon. Gusto mong i-try kaya sabik kang ipinagpatuloy ang tulog mo. Ang saya. Pero may nakakalungkot na nangyari sa dulo, hindi mo nga lang sigurado kung tama ang pagkakatanda mo. At ngayon, naririnig mo ang ugong ng pag-ikot elisi ng bintilador na nakatutok sa 'yo, ang tunog ng mga taong nagsasalita sa loob ng telebisyon. Wala nang nagdadaldalan. Iyon lang ang tanging naririnig mo. Hindi mo na naririnig ang boses ng nanay at tatay mo. Tama ka, alas-diyes na. Oras na ng iyong pagbangon. 10:20 AM Nagulat ka. Tinanghali ka nanaman nang gising pero hindi naman 'yon bago para magulat ka. Naglakad ka palabas ng pinto at nadaanan mo ang salamin sa gilid nito. Man-size mirror. Napatitig ka. Ang ganda mo. Parang na-flatten yung mga tigidig mo sa mukha. Parang inapply-an ng bloom effects yung salamin sa harapan mo. Hindi mo na kailangan maglagay ng lip chick tint.Tinignan mo ang reflection ng katawan mo, parang nagkaroon ng kaunting curves. Napangiti ka. Dahil alam mo na kung bakit. Ganoon yata talaga kapag natulog ka sa loob ng atleast 8 hours. Parang tulog ka pa rin at nananaginip. Good vibes, ready to review, ready to look for part-time work. 5.18.17 10:50AM











