remember the time?

seen from United States
seen from Türkiye

seen from Switzerland
seen from Croatia
seen from China

seen from United States

seen from Türkiye

seen from Malaysia

seen from Côte d’Ivoire
seen from Türkiye

seen from United States

seen from China
seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Kazakhstan

seen from Türkiye
seen from Malaysia
seen from Russia
remember the time?
Don't wait for 7 am to come. Prepare while you're ahead of time and start doing your work from there.
SLICKMASTER
"Nothing is a waste of time, if you use the experience wisely."
-- The late Angelo Castro, Jr.
Sadyang may mga tao na hinuhusgahan ka kahit hindi naman nila naiintindihan ang lahat. Patawarin mo na lang sila at tawanan ang mga tulad nilang mga tanga.
SLICK MASTER
BAGONG TAON NA! EH ANO NAMAN NGAYON?
Sa wakas, bagong taon na naman! Panagdag taon sa ating buhay at alaala. Masaya, ‘di ba? Eh kaso… ano naman ngayon? May nagbago ba sa ating mundong ginagalawan? Eh kung tutuusin ganun pa rin naman ang takbo ng araw at gabi, ha? Sumisikat ang araw sa umaga habang nagpapakitang-gilas naman ang buwan sa gabi. Gayundin naman ang mga operasyon ng mga makamundong bagay sa ating lipunan, mula sa biyahe ng mga sasakyan, sa oras ng pagpapatakbo sa isang kumpanya at negosyo, klase sa eskwelahan, at kahit ang istilo ng mga kawatan, paglalambingan ng magkasintahan, at kung anu-ano pang kaechosan. May nabago ba talaga? Well… meron pa rin naman. Ang aura ng tao at ng araw mismo depende kung ano ang nakatakdang petsa. Pero… Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Kumpleto pa rin ba ang daliri mo? Virgin ka pa rin ba? Magandang nilalang ka pa rin ba? Mabait na tupa ka pa rin ba? Hindi pa ba nagsasawa sa iyo ang asawa mo? Nauurat ka pa rin ba sa trabaho mo? May tagpi na ba yang butas ng bulsa ng pantalon mo, at kung anu-ano pang mga tanong na pwede mong pagnilay-nilayan. Bagong taon na! Eh ano naman ngayon, palagi naman may January 1 sa kada taon eh. 365 days pa rin naman (at 366 kung leap year) ang rebolusyon ng planeta natin sa axis ah. Daranas pa rin tayo ng maganda at masamang panahon. Ang tanong, may nabago ba talaga? Oo nga naman, ano? Ano naman kung bagong taon na? May medya noche na naman (na magastos nga paghandaan pero worth it naman kung ikaw ay masiba rin at the same time). Maliban pa dun eh gising na naman ang diwa mo sa oras na dapat ikaw ay mahimbing na natutulog kasama ang pinakamatamis at pinakamamasa-masang bagay na kung tawagin ay “panaginip” (exception kung una, puyatero ka palagi, at pangalawa, sadyang night person ka lang talaga). Mauuso na naman ba ang new year’s resolution? At may magbabago ba talaga sa ating buhay? Kunsabagay, ika nga ng kantang “Ang Pasko Ay Sumapit,” bagong taon ay magbagong buhay, nang lumigaya ang ating bayan. Pero kung tutuusin… nagbago lang naman ang ating kalendaryo. Nadagdagan lang naman tayo ng isang taon, which means may panibagong taon tayo para mamuhay ng ayon sa ating kagustuhan. Mula sa relihiyosong holiday, hanggang sa pang-nasyonal na pag-alala, at kahit sa mga araw na sagrado sana pero nilamon na ng ideya ng kommersyalismo. At pustahan, same routine pa rin lang tayo tulad ng mga nagdaang taon, maliban na lang kung ikaw mismo ay may planong gawin “for a change.” At ang tinatawag na new year’s resolution? Walang kwenta kung hindi isinasagawa ang mga isnaad mo dun no! Maniwala ako sa iyo na hindi ka na maninigarilyo, o iinom ng alak sa hindi disenteng lugar. Maniwala ako na simula ngayong bagong taon e hindi ka namanchi-chiks, mag-aaral ka ng mabuti, magsisikap ka sa iyong trabaho at sususentuhan mo ang anak mo sa kabilang pinto, eh pagkalipas ng ilang mga linggo ay balik ka na naman sa dating gawi. Anyrae sa mga salita mo, tsong at tsang? Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Maraming mga pangayayari. May magaganap, ke inaasahan man natin yan o “suprprise” lang. Alalahanin natin na kahit pare-pareho na lang ang takbo ng araw at gabi sa buhay natin e, iba naman ang posibleng maranasan natin. “Tomorrow will be different,” ika nga. Isa pa, walang permanenteng bagay sa ating mundo. Kung mag-i-Ingles na naman ako dito e, “Nothing is permanent in the world except change.” Sa madaling sabi, may pagbabago pa rin. May bagong nagaganap at may pagbabagong magaganap. Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Kung ikaw ay isang relihiyosong nilalang e magpasalamat ka na lang sa iyong Dakilang Maylikha. At least, hindi pa tapos ang misyon sa mundong ito. May panahon ka pa para mag-enjoy. Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Swerte mo kaya no? yung iba dyan nangangarap na gusto mamuhay ng mahabang panahon pero pagdating ng holiday e kinapos na. Pasalamat ka no! Ayun, bagong taon na! Eh ano naman ngayon? Eh di…. HAPPY NEW YEAR! Magsaya ka na lang, no! Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No New Year’s Resolution.
New Year’s Resolution?! Uso pa ba iyun? Uso yan, kung ikaw ay estudyante ka pa lang sa elementarya, tulad namin noon. Kapag unang araw ng klase sa buwan ng enero nun, ang panuto ng adviser-slash-homeroom titser namin ay “get one whole sheet of paper, and write your new year’s resolution.” Patay. Ako pa naman nun e speechless pagdating s mga new year’s resolution. E kung sa wala maisip e. besides, ano bang babaguhin ko sa sarili nun? Maliban pa sa matinong bata namana ko nung mga araw na iyun (pero average student nga lang)? Tsk. At pagdaan ng taon, kung kelan naman may naiisip akong baguhin sa aking sarili nun, (yun ang tulad ng mga sumusunod: maging maangas, i-minimize kahit papano ang magmura, magtipid, kumain ng marami, manala ng kaibigan dahil naglilipanan sa network ko ang mga “plastik” na nilalang, mag-aral, huwag basta magpadala sa bugso ng emosyon, at iba pa) saka ko naman hindi naisusulat ang new year’s resolution ko. Nasa utak ko na lang ang mga iyan, pero mas naisasagawa ko naman kesa sa mala-planadong pagbabago. Sa totoo lang, isa sa nakakatawang parte ng ating buhay ay ito – gagawa ang isang tao ng new year’s resolution para sa darating na bagong taon (siyempre), pero wala pa nga sa kagaitnaan ng taon e hindi naman niya naisasakatuparan ito. Hindi nasu-sustain o nagiging “inconsistent” ang mga salitang plinano. Anyare? Kaya ang dating e parang hanggang plano lang ang karamihan sa mga tao na gumagawa nito. (Hindi naman siguro lahat ng tao ay ganyan ano? I mean may mga tao rin naman na nagagawa nila ang mga resolusyon nila.) Siguro, bago nila alisin ang bisyo nila (legal man o bawal), magpayaman, magpa-sexy (o magpa-chubby), maging matinong kaibigan/asawa/anak/kapitbahay sa kanilang kapwa, e ito ang dapat nila maikunsidera bago gumawa ng new year’s resolution: DISIPLINA sa sarili. Dahil kung gusto nga ng pagbabago ng isang tao sa sarili niya e dapat matuto siya kung paano kumontrol sa kanyang sarili. Maganda nga naman ang may plano ka sa iyong sarili sa mga bagay-bagay na may nais kang baguhin. At least may ideya ka kung paano mo siya isasagawa, ‘di ba? Pero alalahanin mo – ang pagbabago ay mas maganda kung idinadaan ito sa gawa kesa sa salita. Oo, isinasagawa nga kesa sa tahasanag paglalahad tulad ng isinusulat lang sa papel, gini-GM sa text, tini-tweet o ginagawang status sa Facebook. Dahil hindi mo ginawa ang mga yan at bagkus e wala naming pagbabagong naganap sa iyo sa paglipas ng taon, tatlong salita ang tiyak na possibleng tatama sa iyo pabalik: mayabang, hanggang salita, o hipokrito ka pala e. Kaya… New Year’s Resolution? Tigil niyo na yan! Pero kung gagawa ka pa rin niyan, e siguraduhin mo lang na magbabago ka talaga ha? 09:39 a.m., 31/12/2012 Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
Does The World Really Need LOVE?
Sarap lang minsan makinig ng lumang kanta, lalo na papalapit na ang pasko, parang itong mga kataga mula sa Jackson 5 na “Give Love on Christmas Day.” “But the world needs is love, yes the world needs your love…” Isang tanong na napakadaling sagutin, pero mahirap ding patunayan (sa madaling salita, KUMPLIKADO pa rin). Kailangan ba talaga ng PAG-IBIG sa mundong ito? Parang mas naiisip ko pa na ang pinakahiling ng karamihan sa mundo, maliban pa sa mga bonggang-bagong mga imbensyon, ay ang kapayapaan. Ika nga, What is my wish for Christmas… is world peace. Pero… Pag-ibig? Kailangan ba talaga natin niyan? Sa panahon ngayon na nagkakagiriian ang ilang mga bansa, nagkakawatak-watak ang mga samahan, nasisira ang relasyon (ke lovelife man yan o hindi), nagbabago ang kutura ng pamumuhay… OO naman. Kailangan talaga ng pagmamahal sa sinuman. Pero ‘di ba, ang pag-ibig din kasi ang nagiging ugat kung bakit may mangilan-ngilan na kaso ng karahasan? Kung bakit marami rin ang naiispoiled na bata, imbes na mag-aral sa eskwela, e pinag-aaralan ang mga laro at application sa iPad at kung ano pang mga modernong makamundong bagay pa na iyan. Kunsabagay, kapag lumabis kasi ang tao sa isang bagay, kahit anong kagandahan pa ang nilalaman at intension nito, nagiging masama pa rin. Oo, kahit sa apeto pa ng pag-ibig. Yan rin kasi ang hirap sa tao na hindi marunong makuntento sa isa, matuto sa kanyang mga tiwala’t salita, at kung ano pa na sumosobra na. Yun nga lang, hindi ganun kalinaw ang pamantayan dyan. Kung kelan nagiging obsessed ang tao sa isang bagay na mahal niya. Pero, does the world really need love? Oo naman, isipin mo kung walang pag-ibig sa mundong ito. Panay masasama at makamundong bagay na lang ang namamayagpag. Ewan ko lang kung mabubuhay ka pa sa dami ng mga gahaman at insekyurang mga nilalang diyan. Isipin mo na lang kung ang mundo ay puno ng pagmamahal sa kapwa. Lahat ay at peace, nagkakaunawaan. Nag-aaway man sa pagkakaiba ng mga interes, pero sa bandang huli, nagkakasundo. Parang gusto mo na lang na humiga sa langit dahil sa sobrang kumportable. Madaling humiling at magsabi ng mga bagay na kailangan natin ‘no? Kung masali lang sana natin maabot iyan. 11/11/2012, 09:52 a.m. Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
I Miss You LANG T’wing Darating Ang Christmas?
Warning: This may be an anti-romantic post. Strong Parental Guidance is strictly advised for superficial and fool-minded readers. Read first before you react. Music, please! (song playing) “Ang Disymebre ko ay malungkot…” Ayun, hindi ko na alam kung ano ang kasunod ng kantang iyan. Pero kung hindi ako nagkakamali, ang pamagat ng kantang iyan ay “Miss Kita Kung Christmas.” Tama. Ito ang isa sa mga kasuklam-suklam na realidad ng ating buhay. Namimiss lang ang isang taong minamahal kapag dumarating na ang Kapaskuhan. Hinahangad na makapiling o makasama siya. Siguro, applicable ito kung kayo ay mag-asawa na, or pwede ring LDR. Pero… Teka, bakit ganun? Kalian pa ba naging big deal ang magkaroon ng karelasyon pag darating ang Christmas season? Pasko naman ang ipinagdiriwang ha, HINDI VALENTINES DAY! Buti sana kung wedding anniversary niyo yan o natapat sa 25 ang monthsary niyo? At teka nga, sino bang hunyago ang nagpauso ng salitang “monthsary?” Panahon kasi ng pagmamahalan ang Pasko. Pero ang pagmamahal na ito ay hindi intended para sa magkasintahan lamang (o sa ibang mabababaw na akso, sa mag-M.U. lang) kundi ito ay para sa mga magkakapamilya at magkakabarkada, at kung sarado Katoliko o Kristiyano ka pa e sa isang espesyal na nilalang ito nilalaan… sa nagsilbing tagpagligtas ng sangkatauhan. O, yun naman pala eh! Dapat nga sa kanya natin sabihin ang “miss kita.” ‘di ba, Bro? Pero, miss mo lang siya ‘pag Christmas? E paano kapag ibang araw na ang lumipas? Hindi mo na siya mamimiss? Ganito na ba kagago o kagaga ang iilang tao pagdating sa usapin ng minamahal? Kapag may espeysal na okayon na lang kayo nagkaka-miss-an sa isa’t isa? Oo, sa okasyon na lang ba? Pambihira naman oh. Sabagay, uso kasi ang timing sa lahat ng bagay. Hindi naman pwede magsabi ng “miss na kita” araw-araw, unless kung talagang namimiss mo siya. Nakakakuliling naman kasi sa tenga yun kahit baka maempatso na rin sa sobrang katabaan ‘yang puso mo nang dahil sa sobrang kilig na nadarama mo. Pero ‘tol, nagmamahal ka e. Kung tutuusin sa panahon ngayon, hindi na pwedeng gawing uso ang mga salitang “I miss you kapag Christmas” or hindi na rin pwedeng twing Christmas mo na lang sasabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Oo, hindi na pwedeng i-trending pa ang mga yan dahil ano na lang ba ang silbi ng Skype at ibang mga modernong bagay tulad ng internet? may mga tulad pa nga ng Viber e. O magpakatotoo ka. Hindi ganun katindi ang nadarama mo kaya bihira ka lang magparamadam ng pagkamiss sa kanya? Ayun lang. Iba pa rin kasi ang personal e. Yung may hawak, yakap, halik at lambing niya. Yun malamang ang mamimiss mo dahil sa lamig ba naman ng panahon e, kailangan ang mga bagay na yun para magkaroon ng init ang nararamdaman mo (ops, yung cleaner side ha? Wag dirty-minded), lalo na ng puso mong nanlalamig sa simoy ng hanging amihan. Pero hindi lang sa romantisismo umiikot ang salitang pag-ibig. Which means (and I quote again) na hindi lang sa boyfriend o girlfriend lang umiikot ang salitang pagmamahal at ang araw mismo ng Pasko. Miss mo lang siya kapag Christmas? PUCHA, nagmahal ka pa! 11:39 a.m. 11/13/2012 Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions