Photoset: This Is A Crazy Planets 2 Book Signing (part 2/4)
seen from Spain
seen from Canada
seen from Spain
seen from China
seen from Latvia

seen from Australia
seen from China
seen from Germany

seen from South Korea
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Australia

seen from South Korea

seen from United States
seen from Palestinian Territories

seen from Estonia
seen from China
seen from United States
seen from Canada

seen from United States
Photoset: This Is A Crazy Planets 2 Book Signing (part 2/4)
This Is A Crazy Planets 2 Book Signing (part 1/4)
Tirada Ni Slick Master: "Puppy Crush"
10/3/2013 9:57:14 PM Supposedly sa ibang isyu ako titira. Kaso, teka lang, pasadahan ko muna ang kumakalat na videong ito sa internet. Sa Facebook to be exact, dahil sa malamang hindi papasa ito sa mga censorship ng YouTube e (unless makalusot). Tatlong dalaga at isang tuta ang tampok sa 19 na minutong video na ito. Halos karamihan na yata ng mga Facebook pages ay ikinalat ito – pero hindi ito pinagpyestahan dahil sa pangkatuwaan lang. Shinare na ito at inupload ng sandamuykal na beses bilang pagkondena sa isang malagim na trip ng mga naturang babae. Hmmm, disturbing ba? Nakababahala bang pansinin? Unless kung iba maitim ang budhi mo, at mas pinoproklama pa ang pagiging despicable ng mga ito kesa sa mga minions. Kaya lang hindi ko na lang pinanood ng husto ang video na ito. Wala e, sobra na e. Don’t get me wrong, may times naman na nasasaktan naman natin ang mga alaga natin ah. Pero panigurado rin naman ako na halos lahat sa atin ay hindi naman umaabot sa sukdulan na tulad ng mga naipakita sa videong ito. Sa totoo lang, hindi na bago ang mga viral posts na ang sangkot na paksa ay ang tinatawag na “animal cruelty.” Karamihan sa mga netizens at ang mga grupo na may kinalaman sa Animal Welfare ay tahasang klumukuondena sa mga ito. Come to think na babae pa ang may pakana ng kalokohang ito? Considering na sa normal nating kamalayan ay babae ang kadalasang nabibiktima ng kung anu-anong kabadtripan sa buhay ng kapwa? Pero ito ang tanong: Thai ba ang mga suspek dito o mga Pinoy? Ayon sa isang artikulo, inimbestigahan na rin ng Pet Animal Welfare Society ng Bangkok ang insidenteng ito. Ang sabi naman ng Philippine Animal Welfare Society ay nagsampa na ng kaso ang People for Ethical Treatment of Animals (PETA) laban sa mga nag-upload ng videong ito. Sa tingin ko, hati ang pananaw ko sa videong ito – may kasalanan siya dahil sa lakas ng loob niya para ipagmayabang pa ang ginawang kagaguhan ng mga babaeng yan. As in para bang “may gana pang i-upload ng mga putanginag ‘to ang kalokohan nila? Di na sila naawa sa maliit na tutang yan!?” pero sa kabilang banda, mabuti na lang at may videong ito hindi apra ipagyabang kundi para kundenahin ang naturang kalokohan. Pero mas nananaig yung naunang punto sa akin e. Pero kung ako ang hahatol sa mga ito, hindi death penalty ang solusyon dito kahit pinatay nila ang tuta sa brutal na pamamaraan lang. Siguro mas okay kung ipagahasa sila sa mga rapist. Oo, gawin ba silang puta. Mas okay yun kung ako ang tatanungin. Click here to continue reading the entire article.
Bravo!
"Tuwang-tuwa ka na may signal number 1 na bagyo sa iyong lugar? Siguraduhin mo lang na hindi ka luluha kung bumaha sa loob ng iyong bahay at liparin ng hangin ang yero niyan, ha?"
#TiradaNiSlickMaster
Statement Block
2:00:37 PM | 6/13/2013 | Thursday Miami heat level the series last week before that huge game 3. Let’s take a lookback though. How on earth did that happened? 4th quarter story, just like any other big games during the previous part of the 2012-2013 season, both regular and post season wars. The first three quarters appeared like a deja vu sequence for both teams in Game 1. Close fight. But if the game 1 turned in the visitor’s favor. This time, it went on the home team. We saw the last few minutes of the third quarter swindling into the side of Miami Heat. They had a 10-point lead after 36 minutes of action. But then, just in the middle of the scorching run by the Heat, so was this emphatic block by one of their superstars in Lebron James. See the source of this post to see the full blog.
#TiradaNiSlickMaster: Dissing To My Dismay
12:04:09 AM | 5/14/2013 | Tuesday Naalala ko lang ang kantang “Mga Putangina N’yo” ni Batas. “Nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!” Alam ko, masyadong harsh ang linyang yan. Pero sa totoo lang kasi, Ang daming mali e. Napakaraming mali. Isang nakakadismayang gabi. Hay, naku. Siguro, kaunti lang ang nakapansin na mangyayari pala ito. Sa aking pagsbuaybay sa resulta ng botohang naganap nitong araw lamang, ang mga taong hindi deserving sa mata ng iilan na tulad ko ang siyang naging patok at naging kabilang sa mga nangunguna sa bilangan ng boto. Hindi naman sa pagiging bitter o talangka. Pero anak ng pucha, bakit ako magngangawa na parang ganito? Siyempre, bumoto ako. Natural lang! Inexercise ko ang right of suffrage ko, no! Gusto ko sanang maniwala sa kanta ni Gloc-9. Oo nga naman, hindi naman lahat ng mga boatante Pilipipino ay bobo. Kaso, karamihan? OO! Tama si Direk Joey Reyes sa kanyang Twitter account. "93% of the voting population of the Philippines is made up of D1, D2 & E sectors. Only 7% come from A, B & C classes. THINK ABOUT THIS." Sa madaling sabi, karamihan sa mga bumoto sa Pinas ay kinabibilangan ng mga nasa lipunan ng mga masa. Ang pinaka-audience ng halos lahat ng mga kabaduyang bagay sa mainstream, mga mababaw na nilalang sa mga social networking sites. Ops, hindi yan “lahat” ha? Basa-basa din kasi bago maghusga. Yung iba kasi nakikiuso lang sa agos e. Tama si Lourd de Veyra sa isa niyang episode ng kanyang palabas na Word Of The Lourd. Pucha, ang boring nga! Hindi siya boring in a sense na walang kaato-atorya o hindi maingay ang pangangalampag ng mga kandidato, kung ikukumpara sa nakaraang presidential elections. Boring siya dahil hindi ito ang inaasahan nating resulta. Boring siya dahil marami ang nadismaya. Bwakananginang yan. May argumento na pangontra. Maliban sa “tanggapin naman natin ang reuslta, wala tayong magagawa e,” ay ‘pabgigyan antin sila.andyan na e. Baka naman may ibubuga pa.” Ayos sana, kung marami naman talaga sa kanila ang may potensyal diyan. Kaso, pang-ilang beses na rin ba kasi nating nararanasan ang ganito? Tila siyam sa sampung beses na pag-eeksperimento natin e wala rin naming naidulot na maganda. Kaya imbes na umangat tayo, wala. Bagsak pa rin, tuald ng sinabi ni Macoy noong 1986. Isa pa, ang jeskeng “political dynasty” kasing yan, at samahan mo pa ng tinawatag na “showbiz government.” Wala sa bokabularyo ng karamihan ang prinsipyo at bagkus, ang salitang “kasikatan” ang nagdadala para sa isang kandidato na bumoto. Wala itong pinagkaiba sa ilang mga personalidad ngayon sa entertainment na basta kahit wala kang talent, pero may mukha kang ihaharap, sisikat kang tunay. Panalo ka by all means. Kunsabagay, ang upside nito ay ang katotohanan na “partial at unofficial pa ang resdulta.” Which means, sa kasalukuyan, hindi pa natatapos at hindi pa ring opisyal ang bilangan. (Bukas pa nga ng alas-10 magsisimula yan e). Pero kung ang partial/unofficial tally ang pagbabasehan, wala e. Tsk, tsk, tsk. Anyway, tatlong bagay na lang ang pwede nating ipanalangin at asahan diyan. Na una, mali ang ating iniisip na pagkadismaya at tanggapin na lang natin ang resulta (after all, hindi naman dayaan ang naganap e unlike yung mga sasabihin ng mga natalong kandidato d’yan); pangalawa, maging matino ang lahat matapos ang halalan na ito; at pangatlo, manalo ang mga karapat-dapat na manalo. Pero mas gusto ko yung pangatlo e. *crossed fingers* Siguro, ito ang masaklap na katotohanan sa salitang “demokrasya.” Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Nasa Botante Na ‘Yan
5:44:52 PM | 5/12/2013 | Sunday Sa totoo lang, tayo ang mas may hawak ng kapangyarihan sa ating bayan. Tayong mga mamayan na bumoboto sa kanila. Tayo ang gumuguhit ng ating sariling landas bilang isang lipunan. Kahalintulad nito ang kasabihang “You create your own destiny,” o ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong daan sa iyong buhay. Kaya sa totoo lang, ang anumang naganap sa ating pamahalaan na hindi kanais-nais, tayo din ang may kasalanan. Kung bakit natin hinayaan na maupo ang mga asal-gago sa upuan na iyan, tayo ang may kaslaanan. Kung bakit mala-showbiz at telenovela na ang takbo ng ating gobyerno, tayo pa rin ang accountable diyan. Kung bakit hindi mawala-wala ang corruption sa ating bayan, oo, at hindi ako magsasawang sabihin ito ulit: tayo at tayo lang ang may kasalanan niyan. Oo, tayo nga na naghalal o nagluklok sa kanila. Tayo na pumili sa mga bugok na ‘to, kaya kung tutuusin huwag na rin tayong magtaka kung bakit tila kinamkam na ang ating kaban, piniringan ang mata at naging bulag sa hubad na katotohanan, pinatikom ang bibig at naging piping saksi. Pinili mong magsawalang bahala pero nagrereklamo ka sa mga kaganapan sa ating bayan? Ulol, ano ka, mayordomo? Hindi lahat ng mga taong botante ay ignorante, mangmang o bobo, (hindi nga “lahat” pero posible ang salitang “karamihan”). Tignan mo nga at naeexercise mo pa yan sa mga reality show sa TV. Uulitin ko. Nasa sa atin ang magiging kahitnan ng ating bansa. Kung marunong lang tayong pumili ng ating iluluklok sa pwesto. Kung may utak at puso ba siya na kahalintulad sa atin. Kung alam natin na kaya niyang gampanan ang papel na ipapataw natin sa kanya. Kung hindi tayo magpapasilaw sa porma at pera. Kung prinsipyo at palataporma ang ating ipapairal sa lahat ng oras. Kung alam lang nating gamitin ang ating utak at kung kaya nating paganahin ang kamay na pumili ng wastong kandidato, alam dapat natin kung saan tayo aangat o saan tayo pupulutin. Nasa ating mga botante na ‘yan. Paalala lang, mga tol. VOTE WISELY. Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions