Walang Signal No., pero ang lakas ng Ulan. Minsan naman e me Signal No., pero wala o mahina ang Ulan. Hay, nako ....
seen from Saudi Arabia

seen from United States
seen from United States
seen from Greece

seen from United Kingdom
seen from Poland

seen from United States
seen from Ireland

seen from Ireland
seen from Netherlands
seen from China
seen from Türkiye

seen from Brazil
seen from Japan

seen from Spain
seen from France
seen from China

seen from Canada
seen from Germany
seen from United States
Walang Signal No., pero ang lakas ng Ulan. Minsan naman e me Signal No., pero wala o mahina ang Ulan. Hay, nako ....
Habang papalapit dito sa Bulacan ang epekto ng bagyong Uwan ay di ko maiwasang hindi mag alala. Naalala ko kasi dati ang naging epekto ni super typhoon Rosing back in 1996. (grabe. Ang tagal at ang tanda ko na. Hehe) Dahil kasi sa bagyo na yan ay nagkaroon ako ng trauma sa malakas na hangin. Ang daming nasirang bahay at madaming nabuwal na puno at poste kaya ilang linggong brownout.
Hinanap ko sa google ang track niya at napansin ko na mas malapit siya sa Bulacan kesa sa track ni super typhoon Uwan. Kahit malayo ay di pa rin dapat magpakanta at kailangan ng ibayong pag iingat para maging ligtas at buhay.
There's something about the rain that tickles my brain 😊
Pagkatapos ng ulan ay mahahawi ang ulap at lalabas na ulit si haring araw. Kaakibat nito ay unti unti ng mababawasan ang pagbaha. Kasabay noon ay makakalimutan na naman natin ang pinagdaanan natin na hirap tuwing may habagat, bagyo at baha lalo na pagdating ng September na masaya lagi pakiramdam natin kasi malapit na ang pasko. Sa susunod na lang ulit tayo daraing pag narananasan ulit natin ang pagbaha.
Tatapalan na mga relief goods at ayuda ang sakripisyo natin na para bang iyun na lang ang tanging lunas. Di sapat ang ginagawa ng gobyerno para tugunan ang pahirap ng baha sa ating bayan.
Masyado tayong proud at isinasabuhay natin ang salitang Resealient? Resilyent? Resellient? Ah basta, kung anuman yun. Spelling nga di ko alam.
Sabi kasi kayo ng sabi na, "sanay na kami" (sasabayan pa ng tawa o kaya ng ngiti). Ayan tuloy, pati yung iba nadadamay sa pagiging sanay niyo. Pero sa totoo lang ay, "sawang sawa na kami". Hindi masamang makuntento pero hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay dapat tayong makuntento, maghangad naman tayo ng konting ikauunlad, ikakaganda o ikagiginhawa ng ating buhay.
Tama na yung kakasabi ng, SANAY NA KAMI SA BAHA. Baguhin natin at gawin nating, SANA AY DI NA KAMI MABAHA.
Ctto ng mga photos. Kita niyo yung damit ni ate? Konte na lang aabutin na at di mo na tuluyang makikita yung salitang geography. Ganyan din posibleng mangyari sa Hagonoy, tuluyang mawala sa geography.
We are all caught in a current of issues… in addition to rain.
We are beyond fooked right now Yeah na Yeah...
#RainingInManila #bagyo #Habagat #baha