May kwento ako...
Nag EK kami kahapon, obvious naman sa mga pinopost kong picture diba? Tapos dito natulog si Mickey. Double deck yung kama namin, ako yung sa ilalim, kapatid ko sa taas. Since di dun natulog kapatid ko, si Mickey sa taas. Gusto ko talagang tabi kami, pero syempre, bawal. Kaya ginawa niya, ibinaba niya yung kamay niya tapos inaabot kamay ko, tapos yun, hawak lang niya. :">
Tapos, nung naunuod pa kami ng tv, nagpapakamot ako ng likod, ewan ko. Ganun ako nung bata ako, laging kinakamot ng tatay ko likod ko para makatulog ako. Pero syempre, hindi na ngayon, malaki na daw ako. kaya kay boyfriend ko pinapagawa yung mga ganun, minasahe pa nga niya binti ko kasi ang sakit, tapos naninigas, kakalakad at kakatayo siguro dun sa EK, dagdag mo pa yung naligo kami da rio Grande, ang saya! Hahaha.
Wala, ang saya lang. Kung tutuusin, kahit nag aaway kami ng sobrang dalas, andyan pa din siya tapos inaalagaan ako. Feeling ko, bata ulit ako. Weeee. :">










