Ako si Christoff, isang Born Again Christian. Pero ako'y naguguluhan kung ano ang tamang itatawag dito. Basta ang alam ko, ang RELIHIYON ay HINDI KA KAILANMAN KAYANG ILIGTAS papuntang impyerno.
Ako si Grenda, ang matalik na kaibigan ni Christoff at minsan maloko din. Masaya siya kasama. Hindi kayo mauubusan ng topic na pwedeng pagusapan. Madalas niya ako imbitahan sa kanilang simbahan, pero pagdating sa topic na relihiyon ay medyo PLAY SAFE ako. Madalas niya ako imbitahan sa kanilang simbahan ngunit hindi ako makasagot ng "Oo" dahil hindi ko alam kung paano magpapaalam sa magulang ko.
Ako si Sandy, ang noya ni Christoff. Nagkakilala kame dahil sa matalik na kaibigan niya na si Grenda. Nagsimula kame sa pagiging magkaaway ngunit ng kalauna'y nagkamabutihan at tila nahulog na ako sa kanya ng tuluyan. Madalas niya akong imbitahan sa tinatawag nilang "Bible Study" upang makinig ng salita ng Diyos nasa stage pa lang kame ng "Getting to know each other" nun... At naiisama na niya ako sa pag-bible study sa kanilang bahay. Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit niya ako sinasama sa ganitong gawain kahit wala pang matatawag na "KAME" o kahit malalim man na relasyon sa isa't isa? Ano kaya ang kanyang rason? May malalim kaya siya na dahilan? O isa lamang siyang mapagsamantala? Maraming pumasok na mga tanong sa'king isipan kung kaya't ako'y nabahala. Napagdesisyunan ko na obserbahan muna ang mga ikinikilos niya. Lumipas ang mga araw, at napansin ko na wala namang mali sa mga ginagawa niya. Siguro, Ako lang talaga yung praning na nag-iisip ng kung ano-ano. Matagal-tagal na din akong dumadalo sa kanilang bible study kung kaya't napagdesisyunan ni Christoff na isama niya ako sa kanilang simbahan.
"Sandy? May itatanong ako.
" Anong naramdaman mo simula nung isinama kita sa aming simbahan?
- Madalas man akong makatulog o antukin sa dati kong sinisimbahan ... (buntong hininga) Pero sa tingin ko, mas magugustuhan ko dito Christoff! Masaya ako, at ang taga-pagsalita ay buhay na buhay at mas naiintindihan ko ang tinuturo.
Aminado ako, napakalaki ng pagkakaiba nito sa nakagisnan kong paraan ng pananampalataya. Higit na mas naipaparating nito ang mensahe na sinasabe ng tagapagturo.
Hindi nagtagal at naging kami na din ni Christoff, mas nakilala ko siya ng lubusan at minahal ng buong puso. Una niyang pinangarap ang maging legal kami sa magulang ko. Natatakot kasi ako sabihin sa mga magulang ko ang tungkol samen ni Christoff. Isang taon na kame at isang buwan nalang ay kaarawan ko na. Surpresa niya akong sinundo at dinala sa kanilang bahay upang kumain ng kaunting salu-salo na kanyang inihanda. Gusto ko talaga mapanuod yung movie na "Titanic" nung araw na 'yon. Kung kaya't nag-request ako kay Christoff na manuod kasama ang iba ko pang mga kaibigan. Ngunit nagtaka ako kung bakit iba ang lumabas sa telebisyon. (Tila nakaamoy na naman ako ng isang pang surpresa! At medyo kinakabahan pa ako.)
- Christoff? Ano ba yan? Sabe ko Titanic ang gusto kong panuorin, Hindi ba?
"Umupo ka lang jan. Relax! Manuod ka lang, Sandy.
Isa palang bidyo iyon na naglalaman ng aming masasayang ala-ala, tila may paru-paro na nagkukulit sa aking tiyan at sa mga oras na iyon ay hindi ako mapakali. Nakapaloob din sa bidyo ang usapan nila ng aking mama, tungkol sa aming relasyon. Muntik akong mapaiyak sa tuwa at gusto kong tumalon sa tuwa dahil matapang niya na sinabi sa magulang ko na kami na.
- Maraming salamat ha! (yakap)
"Sabe ko naman sayo, magiging legal din tayo eh. Dun naman tayo sa next level?
- Anong next level ang sinasabe mo diyan?
"Sabihin na natin na Christian ka. Masyado ng matagal ang paglilihim, Sandy.
- Pero Christoff...(tila takot na takot)
"Wag kang mag-alala, Sandy. Nandiyan si Hesus para gabayan tayo.
"Pero? Sandy, Ang tagal na natin itong pinagtatalunan..kaya be brave!
Ilang buwan ang lumipas at napagdesisyunan namin ni Christoff na umamin na sa nanay ko.
(Patungo kame sa bahay namin)
"Sandy, just believe and be positive!! (Pangiti niyang sinabe)
- Sige, basta tulungan mo akong magsabi ha?
"Oo, at kahit anong mangyari tanggapin at panindigan natin.
- Sige, iloveyou Christoff.
Ilang sandali lang at nangyari na nga ang hindi inaasahan. Nagalit ang nanay ko sa ginawa ko at pati si Christoff ay nadamay na. Halos palayasin na ako sa galit ng nanay ko ngunit marahang nakipag-usap si Christoff kahit na siya ay umiiyak at patuloy na humihingi ng paumanhin.
- Pano na yan Christoff? Ayaw talaga ni mama sa religion mo?
"Tiwala lang, matatanggap din nila at siyempre huwag kang titigil mag-share ng salita ng Diyos. Nandito lang tayo para i-share yung TRUTH at para tumanggap din sila ng kung anong meron tayo.
"Gusto mo ba silang maiwan sa pagdating ng RAPTURE? Be Strong! Parang wala ka sa truth eh!
Tuwing sasapit ang linggo, patuloy pa din akong nagsisimba, kahit na may pumipigil sa akin sa aking pag-alis. May mga araw ng linggo na nasa simbahan nga ako, ngunit lumalayo ang isip ko sa loob ng simbahan. Ngunit si Christoff ay tila walang problemang dinadala dahil sa nakukuha niya pang ngumiti.
"Pray tayo. Ipikit natin ang ating mga mata para mas ma-feel natin yung presenysa ng ating Panginoon.
Ilang minuto ang lumipas, may narinig akong malakas na hampas ng hangin. Maya maya'y may narinig akong nagsisigawan. Pagdilat ko ng mga mata ko, Isang katakot takot ang aking nakita. Nawala si Christoff !!!
- Christoff, Asan ka na ba?!
~Sandy! (Dahan-dahan ang paglapit ni Grenda kay Sandy at tila takot na takot)
~ Nakita ko Sandy, bigla siyang nawala na parang bula.
- Ano? Pano? Bakit? H'wag mo sabihing...
~ Oo, Ang rapture day na hindi inaasahan ay nangyari na. Sandy, pano ito? Ano na ang mga susunod na mangyayari? Ano ang gagawin natin?
Sinamahan ni Grenda si Sandy sa kanilang bahay at pagdating nila..
(biglang sumingit ang bagong balita sa telibisyon.)
Reporter: "ISANG LUGAR, NATAGPUANG ABANDONADO AT TANGIN MGA DAMIT LANG ANG NAMATAAN SA NASABING LUGAR"
Reporter: Ano po yung huli niyong nakita sa lugar na 'to?
Testigo: Nakita ko po silang biglang naglaro. Habang nagbibigay ng bagong aralin yung pastor namin at masaya ang karamihan. Tulala po kasi ako nun dahil sa problema ko. Nagsisisi ako dahil hindi ako nakasama sa rapture dahil hindi ako nagpakatatag at napagpadala ako sa panlilinlang saken ng dimonyo.
Reporter: Anong Rapture ang tinutukoy mo?
Testigo: Ayun yung isang pangako o propesiya na darating ang araw na kukunin ng Panginoon Hesus ang mga anak niya na sumusunod sa kanyang salita.
1 Corinthians 15:52 - in a moment, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, and the dead will be raised incorruptible, and we shall be changed.
*Sandy, ano 'to? At ano ba yung sasabihin mo? (wika ng mama niya)
- Ma, si Christoff. Kasama siya sa mga kinuha ng Diyos na tinutukoy nung testigo.
*Ano?! Hindi ko maintindihan sinasabe mo Sandy.
- Yung matagal na naming sinasabe sayo ni Christoff nangyari na.
*Ano?! Diyos ko po! Totoo nga. (Nagulat at tila nagsisisi.)
~Sandy! Nagtext saken si ate. May mga pulis daw sa bahay. (Wika ni Greda)
Magkasamang pumunta sina Grenda at Sandy kasama ang pamilya ni Sandy patungo sa bahay nila Grenda.
~ Ate, anong nangyayari dito?
Pulis: Pinirmahan na ng punong pangulo ang bagong sistema. Kailangan magparehistro ang lahat ng tao dito para malagyan ng Universal I.D. Isa itong maliit na device na kasing laki ng butil ng bigas at dun nakalagay ang mga impormasyon ninyo. At ilalagay ito sa inyong katawan upang magsilbi ninyong aydentipikasyon at maiwasang mawala. At bago matapos ang taon, ang lahat ng wala nito ay dapat mamili. Sapilitang kakabitan ng sinasabing device o mapapasama sa mga bibitayin.
"Sandy, kahit anong mangyari. H'wag kang papayag na magpalagay ng microchips. Dahil ito'y magsisilbing tatak ng halimaw o ng dimonyo pagdating ng araw." (Ang mga katagang noo'y nasambit ni Christoff)
- Mama at grenda, H'wag kayong papayag. Tatak ng Anti-Christ yan!!
~ Anong sinasabe mo diyan? Ang ganda na nga ng advantage oh! Iisang Chip nalang!
- Grenda, Huwag. Huwag kang papayag diyan. (Wika ni Sandy)
~ Pero Sandy, lahat sila mama nakapagpalagay na.
- Basta, Grenda. Wag kang gumaya.
Ilang buwan ang lumipas at patuloy pa din ang pagpapatupad ng sistema. Kinabukasan na ang huling pagpapalagay ng microchip. Pero hindi pa din ako nagpalagay. Nagtiyaga akong kumaen ng mga tirang pagkain ng mga taong nasa paligid makatawid gutom lang.
Report: Ngayong araw na ito ang huling araw ng pag-iimplement ng Universal I.D. at ang hindi magpapalagay nito ay mahahatulan ng bitay.
Habang palapit ako ng palapit sa gitna ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa araw na ito, ay ang araw ng paghatol sa akin ng kamatayan. Ginawa ko ito para sa Diyos kong tunay na kahit minsa'y hindi ako iniway. At ngayon, papatunayan ko sa kanya na kahit naiwan ako ay papatunayan ko sa kanya na sakanya pa din ang aking pananampalataya at hindi hindi ko siya ipagpapalit sa materyal na bagay. Ipaglalaban ko na ANAK AKO NG TUNAY NA DIYOS NA BUHAY.!
Nakatutok sa'king ulo ang baril ng halos ilang libong pulis para sa'king kamatayan. At sa oras na ibaba ng taga-pagutos ang kamay niya ay ito na ang hudyat ng aking katapusan sa mundo. At pagbaba niya ng kamay niya'y biglang may kalabog at ako'y nagising. Nasa harap ko si Christoff! At mataimtim pa din ang kanyang pagdadasal. Umiiyak at niyakap ko siya. Salamat sa Diyos! Pinaisip niya sa'kin ang lahat.
Matthew 24:40 - Then shall be two in the field; the ONE shall be taken and the one left